Crush With The Monster

44.2K 2.2K 461
                                    

Kumakain kami ni Allen ng milk at cookies sa bed ko, dinala para sa akin ni Mommy as my midnight snacks.

"Mag kwento ka naman ?"

"Tungkol saan ?"

"Sa mga naaalala mo"

"Ah ! Iba iba yung mga nag mamay-ari ng higaan na ito minsan, matanda, mag-asawa, bata, lalaki at siyempre babae" Tapos bigla siyang ngumiti.

"Bakit ?" Pagtataka ko sa kanya.

"Siyempre babae yun, tapos sa kwarto nakikita ko siya di mo pa maiintidihan yun masyado ka pang bata"

"May girlfriend ka ba ?"

"Ha ? wala, bakit mo naitanong"

"Wala lang kasi karamihan sa mga kuya at ate ng classmates ko may boyfriend o girlfriend eh"

"Bakit di mo itanong sa kuya o ate mo ?"

"Wala akong kapatid eh ! Nag-iisang anak lang ako"

"Ganun eh wala eh ! wala kang magagawa"

Lumapit si Jessica kay Allen at mabilis itong hinalikan sa labi (smack kiss).

Allen's POV

Nagsasalita ako ng bigla akong hinalikan ng bata, natulala na lang ako at siya nakangiti na nakatingin sa akin.

"Pwede ba kitang maging boyfriend ?"

Nagulat ako sa mga sinabi niya, nakangiti parin siya sa akin at mukhang naghihintay ng isasagot ko.

"Haha ! Seryoso kaba ?" Natatawang sagot ko sa kanya.

"Bakit ?" Inosenteng sagot niya.

"Mas matanda ako sa iyo, Ay hindi sobrang tanda ko sa iyo !"

"Edi hintayin moko" Nakangiting sabi niya.

"Haha ! Loko bata ka pa dapat sa iyo naglalaro lang muna"

Nag pout lang si Jessica sa akin, tapos umalis sa may kama at pumunta sa study table niya at mukhang ginagawa yung pag drawing niya sa akin.

Kinabukasan, mabilis na tumabakbo si Jessica galing school, inilock niya ang pintuan, mabilis na sumampa sa kama at sumilip sa ilalim ng kama.

"Allen .. Allen .." Bulong na tawag nito.

"Bakit ?" Sagot ni Allen.

"See oh ! Natapos ko na" Buong ngiting sabi niya.

Lumipad si Allen papunta sa ibabaw ng kama. "Kamukha mo diba ?"

"Ang galing mo naman, yan pala ang mukha ko" Ngiting sabi nito.

"Anu bang hitsura sa ilalim"

"Gusto mong puntahan ?"

"Oo, Oo ! Pwede ba ?" Excited na sagot ni Jessica.

"Sige"

Pagkarating sa ilalim. "Eto na iyon ?" Tanong ni Jessica.

"Oo hitsura lang ng ilalim ng kama"

"Wala ng iba ? Akala ko malaki"

"Hindi no"

"Eh buti dika nakita ni Dad nung sumilip siya dito ?"

"Di mo lang alam kung gaano ako nahirapang magpalipat-lipat dito para lang makapagtago"

"Haha ! Ops teka" Sabi ni Jessica ng may mapansin siya.

"Akin tong mga ito ah ! Kaya pala nawawala ikaw yung mga kumukuha"

"Nahuhulog mo eh ! Na curious ako kaya dinadampot ko" Defensive na sagot ni Allen.

"Haha !" Masayang tawa ni Jessica.

Jessica's POV

Gabi noon ng marinig ko mula sa pintuan ng kwarto ko ang pag-uusap nila Mommy at Daddy.

"Kalilipat lang natin dito balak mo na namang lumipat ?"

"Hindi naman natin ipagbibili ang bahay, tsaka pupunta ka rin naman ng America diba ? Sasama na lang kami, mas mukhang makakabuti sa anak mo iyon"

"Bakit anu bang nangyari ?"

"Eh kasi naman since na lumipat tayo dito, lagi na lang siyang nakakulong sa room di na siya lumalabas at nakikipaglaro, bahay at school na lang siya"

"Okay mukhang mas better nga na isama ko na lang kayo sa appointment ko sa America"

Umalis ako bigla sa pagkakasandal sa pintuan at pinuntahan si Allen.

"Bakit anung pinag-uusapan nila ?"

"Aalis daw kami" Malamyang sabi ko.

One week pass napagpasyahan na nila Mommy at Daddy ang umalis na papuntang America, ayoko man kasi malalayo ako kay Allen pero pumayag parin ako kasi one month lang naman daw kami doon at babalik ulit kami ng Pilipinas.

"Allen habang wala ako dito pwede mong gamitin lahat ng meron dito sa kwarto ko para di ka mainip"

"Kailan kayo uuwi ?"

"After one month, mamimiss kita ! panigurado wala akong kalaro doon" Sabi ko habang naka pout.

"Bakit naman ?"

"Mga Inglesero sila, nosebleed ba ?" Sabay tawa naming dalawa

The Monster Inside Of My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon