ISABELLA'S POV
Good morning Wednesday!
Iniayos ko ang higaan ko at mabilis na pumunta sa banyo. Pagkatapos ko magbihis ay kinuha ko agad yung mga libro ko at iniligay sa bag at lumabas. Nakita ko si tita na naggagayak din.
'May pasok siguro,'
"Isabella, nagluto ako d'yan ng menudo, kumain ka na."
"Ahm, doon nalang ho ako sa school kakain. Dadalhin ko nalang po yon,"
"Sige."
Pagkatapos kong ilagay yung pagkain sa tupperware ay inilagay ko sa bag.
"Sumabay ka na sa akin." yaya ni tita habang inaayos yung bag n'ya
"Sige po,"
Habang nasa sasakyan kami ay walang imikan na nagaganap
"Isabella?" basag ni tita sa katahimikan
"Po?"
"Kumusta pag-aaral mo?"
"Okay lang po,"
"May sinabi ba sayo si Victoria?" bigla akong kinabahan sa sinabi ni tita
"Wala ho, b-bakit ko ba kung meron?"
"Matagal na kami mag kaibigan ni Victoria, c-colloge palang magkakilala na kami." seryosong kwento n'ya at tumingin naman ako sa bintana
"Bakit po ang dali mo makarecover?" diretsong tanong ko at humarap sa kanya.
"Braso lang ang natamaan sa'kin, kaya madali lang ako na nakarecover."
"K-kilala n'yo ho ba yung b-bumaril sayo?" tanong ko at natigilan s'ya.
"H-hindi ko kilala pero tanda ko yung mukha n'ya. Tandang tanda." mahinahon na sabi ni tita at doon ako nakaramdam ng kaba.
"T-tita," naluluhang saad ko
"Sorry kung nasira ko yung party na dapat inenjoy mo. "
"Okay l-lang po yon,"
"Tsaka nga pala, sino yung kasama mo nung pinuntahan mo ako sa hospital?" tanong niya
"Ho?"
"Sino yung kasama mo noong pinuntahan mo ako sa hospital ka ko."
"Si Tristan ho tita. Siya po yung kasama ko." sagot ko at ngumiti si tita.
"Nandito na tayo. Mag-iingat ka,"
Habang naglalakad ako ay naisipan ko munang pumunta sa garden. Maaga palang naman, hindi naman siguro ako malalate.
'Tsaka 'di ako pa kasi napuntahan yon'
Inilibot ko ang paningin ko sa garden. Madaming bulaklak tapos sa gitna ng garden ay mag fountain na may Angel na mukhang isda. Tinignan ko ito ng mabuti at napagtanto ko na seahorse pala.
Iniligay ko ang bag ko sa tabi ko at tsaka umupo sa bench tsaka tumingin sa langit. Ang ganda ng panahon ngayon.Paano kaya pagnanalo ako sa lotto?
'Tapos kunwari one hundred billion yung napanalunan ko. Sobrang daming cellphone yung mabibili ko non. Yung tipong kapag nahulog yung isa, hahayaan ko nalang kasi may germs na hahahaha!'
'Tapos yung walang ibang ginawa kung hindi asarin ako, yung kapatid ko, pag-aaralin ko sa isang exclusive na school. Sa sobrang exclusive. Siya palang ang makakapag-aral don. Pag e-enrollin ko s' ya sa Mars o kaya Jupiter.'
![](https://img.wattpad.com/cover/220214214-288-k509710.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Is Never Wrong
Teen FictionThe ordinary girl named Isabella Caileigh meet again her childhood bestfriend named Tristan Grey. Tristan Grey are very popular on their university. Tinitilian ng mga girls, handsome, smart, rich but his personality changed. Kapag ba nagkita sila...