ISABELLA'S POVAko si Isabella Caileigh Torres, isang probinsyana. Labing anim na taong gulang na ako, Grade 10 student.
Sa pamilya namin, kami na lang ni Mama at Clarence ang magkakasama sa bahay kaya kalog-kalog na kaming tatlo dito sa maliit pero masayang bahay namin. Bakery ang business ni mama, minsan naglalako din s'ya ng gulay.
Nakahiga ako ngayon dito sa kwarto ng biglang sumagi sa paningin ko kwintas na ibinigay sa akin ni Tristan. Marami rin akong kaibigan pero isa lang talaga ang hindi ko makakalimutan, si Tristan. Nspangiti ako ng maalala ko s'ya.
Siya ang pinakamatalik kong kaibigan. Isang taon ang agwat ng edad namin, kahit hindi kami magkaklase pero close na close kami. Kaya pag may nang-away sa'kin, lagot sila kay Tristan! Kaya parang s'ya na rin yung tumayong kuya sa'kin.
Five years na rin kami 'di nagkikita kinuha kasi ng parents niya sabi ni Lola A.Noong graduation nila ng grade 6 at ako naman ay recognation. Gusto ko man na hindi s'ya umalis, wala naman kasi akong magagawa. Aalis at aalis pa rin s'ya.
~Flashback~
Katatapos lang ng graduation namin pero hindi ako masaya kasi doon sa sinabi nung lola ni Tristan. Aalis na kasi yung bestfriend ko. Aalis na si Tristan.
Si Tristan sobrang bait n'ya, halos ipamigay n'ya na nga lahat yung laruan n'ya dati para may makalaro kami dati at tsaka s'ya yung laging nandyan kapag malungkot ako.
Mamimiss ko s'ya.
Umupo ako sa swing at yumuko. May umupo sa tabi ko at may inabot na panyo.
"Kala ko ba aalis ka na, Tristan?" nakangusong tanong ko
"Bakit ka umiiyak? Panget mo na nga umiiyak ka pa," pang-aasar n'ya.
Sige mang-asar ka pa. Aalis na nga lang nagbibiro pa
"Ako umiiyak? Bakit naman ako iiyak?" nakangising tanong ko habang nakaturo yung daliri ko sa mukha ko
"Kasi aalis na ako,wag ka na iiyak tapos mamaya pala pag alis ko iiyak s'ya hahaha! Don't cry, okay?" nakangiti pang sagot n'ya
"Ako iiyak kasi aalis ka? Hindi ako iiyak dapat nga masaya ako kasi wala na sa akin tatawag ng pangit," malungkot na sagot ko
"Alam ko naman na mamimiss mo yung kagwapuhan ko. Don't cry, okay? I don't wanna see you cry,"
"Nakita mo na ba ko umiyak ha aber?" masungit na tanong ko
"Isabella, if ever na hindi na tayo magkikita 'wag mo akong kakalimutan ha?"
"Ano ba yang sinasabi mo na hindi na tayo magkikita? Magkikita pa tayo Tantan"
May inabot s'ya sa aking box na maliit.
"Ano naman yan?" tanong ko
"Oh ayan na regalo ko sayo. recognation gift ko yan sayo kaya ingatan mo! I ask grandma to buy that in Pandora," sabi niya.
Binuksan ko ito at nakita ko ang isang kwintas na hugis puso na parang may kapares pero iisa lang.
"Bakit kulang hindi ba dapat buo itong heart? Nakakainis ka naman, magbibigay ka pero sisirain mo muna bago mo ibigay," nakangusong tanong ko
"Nasa akin kasi yung isa," sabi n'ya sabay pinakita yung kwintas na suot n'ya
"Promise mo babalik ka?"
![](https://img.wattpad.com/cover/220214214-288-k509710.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Is Never Wrong
Fiksi RemajaThe ordinary girl named Isabella Caileigh meet again her childhood bestfriend named Tristan Grey. Tristan Grey are very popular on their university. Tinitilian ng mga girls, handsome, smart, rich but his personality changed. Kapag ba nagkita sila...