02

16 2 0
                                    

"Stop the car." Sabi ko, kaya tinigil niya sa side ng daan 'yung kotse.



"Sabihin mo hindi ako a-attend." Sabi ko at bumaba, hindi siya sumagot at umalis nalang. Agad 'kong nilabas 'yung phone ko para tawagan sila Cly.



"Hey pasundo." Sabi ko nung sumagot sila.



[Hello? Asan ka?] Tanong ni Cly.



"I don't know, basta open ko nalang location ko." Sabi ko at pinipilit hindi umiyak.



[Okay otw na kami.] Sabi niya at pinatay 'yung call. Umupo sa may side walk, fuck naka gown padin ako.



Mukha siguro akong baliw ngayon, pero hindi ako makaiyak. Wala na'kong malabas na luha.



"O my god!" Sabi ni Ven nung bumaba sila ng sasakyan, agad nila akong niyakap.



Mga tanga, sila 'yung umiiyak kesa sa'kin.




"Anong nangyari bakit andon ka?" Tanong agad ni Cly nung maka balik na kami sa dorm.



"Napigilan mo ba?" Tanong naman ni Ven, umiling lang ako at dumeretyo sa kusina namin.



"Sinong gago ang nag iwan sayo don?" Tanong ni Cly.



"Ako nag pababa don, 'di ko feel pumunta sa walang kwenta nilang dinner nila." Sagot ko at binuksan 'yung beer.



Inabutan ko din sila, tyaka kami umupo sa may sofa. Nakatulala lang ako habang umiinom, 'di padin nag si-sink in sa'kin. Bakit ako pa? For the past 19 years 'di ko naranasan 'yung hahayaan nila akong mag desisyon para sa buhay ko, laging sila nag dedisiyon na hindi ko pwedeng tanggihan.



"Bar bukas?" Tanong ni Cly, ngumiti naman ako at tumango.



"Kaya mo pa?" Tanong niya, yumuko naman ako at umiling. 'Yung tipong gusto kong umiyak kaso wala ng lumalabas na luha, naubos na siguro.



"Kei andito kami for you." Sabi ni Ven kaya agad akong tumango.



"I know that, kaya nga kinakaya e. 'Di ko naman kayo pwedeng iwan, 'coz 'di niyo ako iniwan nung kailangan ko kayo." Sabi ko at tinignan sila, 'di ba naman mga baliw? Umiiyak sila jusko.

She's The OneWhere stories live. Discover now