08

12 1 0
                                    

"Keirra wake up." Rinig 'kong sabi ni Josiah. Hindi ako sumagot at lalong siniksik 'yung mukha ko sa unan.



"Gising na, papasok na tayo." Sabi pa niya pero 'di ako gumagalaw, puta nakakatamad.



"Isa Keirra Eloise." Tamad akong umupo at tinignan siya.



"Ito na oh, labas." Sabi ko at tumayo, lumabas naman siya kaya nakapag asikaso na 'ko. Tinatamad akong pumasok kaso baka malaman nanaman nila Lolo, baka masampal nanaman ako.



"Hoy tara na." Sabi ko kay Josiah na busy sa pag babasa, tinignan niya ako bago siya tumayo.



"Shet sana all boss." Salubong nung mga tropa niya nung naka baba na kami sa kotse niya, inaantay siya ng mga tropa niya dito sa parking lot.



"Puta bakit nandito kayo?" Tanong ni Josiah sakanila.



"Syempre sabay kayong umuwi, so chini-check lang namin kung sabay din ba kayong papasok." Naka ngising paliwanag nung isa niyang tropa.



"Tangina mo Kliff." Ah so Kilff pala name 'non?



"So ano boss? Mag kasama naba kayo sa iisang bubong?" Tanong ng mga tropa niya habang papasok kami ng building.



"Oo." Simpleng sagot ni Josiah sakanila, para naman silang mga babaeng nag tilian.



"Shit umaasenso ka." Natatawang sabi nung Kliff.



"Tanga fiancèe ko siya e." Iiling na sabi ni Josiah.



Fiancèe? Hmm bakit pag sakaniya galing nakakakilig? Pota lumandi kapa Keirra.



"See you later." Sabi ni Josiah nung makarating na kami sa harap ng classroom ko, 'yung mga barkada niya naman parang timang na naka tingin samin.



"Pupunta tayo mamaya kina Kevin okay?" Sabi niya kaya tumango ako. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin para yakapin.



"Binubwiset na tayo edi sagarin na natin." Natatawa niyang bulong kaya tinapik ko 'yung braso niya.



"Sge na, maharot ka." Sabi ko at pumasok sa room.

She's The OneWhere stories live. Discover now