"Puta sakit." Daing ko ng maramdaman 'kong kumirot ulo ko.
Anong mga kagagahan nanaman kaya ginawa ko kagabi?
"Morning." Agad akong napalingon nung pumasok si Josiah dito sa kwarto ko, may dalang tubig and gamot.
"Wala naman akong kagagahang ginawa kagabi diba?" Agad na tanong ko kaya tinignan niya ako habang naka kunot noo niya.
"Hindi mo alam?" Tanong niya, agad naman ako umiling. Malamang lasing ako.
"Alalahanin mo." Sabi niya at nilapag 'yung tubig at gamot.
"Sabihin mo nalang, 'di ko maaalala 'yon." Sabi ko pero umiling lang siya, umirap naman ako.
"Mag asikaso kana, pupunta tayo sa police station." Sabi niya kaya nanlaki mata ko, may nangyari nanaman ba kay Cly?
"Bakit?" Tanong ko at agad tumayo.
"Ngayon mag bibigay ng testimonya si Cly." Sagot niya kaya tumango ako, kala ko kung ano na.
"Buti andito na kayo, kanina pa 'ko naiinis." Salubong ni Ven samin nung maka rating na kami don sa police station.
"Good afternoon Keirra." Nagulat ako ng andito 'yung daddy ni Josiah.
"Good afternoon po." Sabi ko at nag bless, shete 'di ako handa.
"Ano ng balita pa?" Tanong ni Josiah sakaniya.
"Clienne is currently giving her testimony inside." Sagot nung papa niya kaya napa kunot noo ko.
"Asan 'yung lawyer niyo?" Pabulong na tanong ko kay Josiah kaya tinignan niya ako.
"Ayan si Papa." Simpleng sagot niya kaya nanlaki mata ko.
"Seriously?" Gulat na tanong ko, I mean hindi ko alam na lawyer pala papa niya.
"Yes, kaya nga madali 'kong na push 'to e." Sabi niya, kaya pala.
YOU ARE READING
She's The One
General FictionThis is a work of fiction. Any characters, events, place, etc is based on fictional imagination. Also any beliefs, etc is in the imagination of the author or purely coincidence. ERRORS AHEAD. I will not edit the story unless It's finished. This stor...