Kabanata 4

8.6K 270 26
                                    

Kai Angel

May Twenty Five minutes pa naman bago ang klase namin, kaya nasa cafeteria muna kami ngayon.

"Girl excited na ako tikman ang binigay mo sa akin." Sabik na sabi ni Sky kay Aiko.

"Siguraduhin mo na mauubos mo yan." Sabi ko dito.

"Syempre uubusin ko ito." Mayabang na sabi pa nito.

Sus kakain mo talaga iyan kahit ano mangyari tawang sabi ko sa isip ko.

Kinuha ko na sa paper bag ko ang cookies pati na din ang strawberry milkshake.

"Penge ako Bebe Sky." Sabi naman ni Jonas.

Tumango naman si Sky kaya masayang kumuha na si Jonas.

Pakasubo nila naduwal sila pero bago pa nila maluwa ay tiningnan ko na ang dalawa ng masama.

Bigla sila napalunok. Pinipilit ko na wag mapangisi.

"Okay lang ba kayo?" Nag aala tanong ni Aiko.

Pasimple ko pa din sila tinitingan ng masama na parang sinasabi na makuha sila sa tingin at wag magrereklamo dahil lagot talaga sila sa akin.

Agad naman nila naubos ang tatlo pa natitira na cookies.

Napipilitan pa tumango ang dalawa at pilit pa ngumiti kay Aiko.

"Okay lang ang mga iyan wag ka na mag alala kumain ka na din." Sabi ko dito at masaya na ulit siya nagpatuloy kumain.

Pinagpatuloy ko na din ang pagkain ng cookies na parang sarap na sarap ako.

Kita ko ang paglunok ng dalawa sa akin na parang sinasabi kung paano ko na ienjoy ang ganito pagkain.

At hindi ko alam, basta ang alam ko lang ang ay dapat maubos ang pagkain na pinag hirapan ni Aiko Laura.

Hanggan sa maubos ko ang Cookies ininom ko naman ang strawberry milkshake na walang lasa!

"Bebe Sky gusto ko sabihin bago ako mamatay mahal na mahal kita." Naiiyak na sabi ni Jonas.

"Wag ka na umasa kahit mawala ako hindi talaga kita magugustuhan. Bakla ako." Naiiyak na sagot naman ni Sky

Bulong pa ng dalawa pero rinig na rinig ko naman!

Mukha naman hindi narinig ni Aiko dahil sarap na sarap ito sa kinakain.

Binitawan ko naman ang strawberry milkshake na walang lasa at kumuha ng pagkain sa kinakain niya. Kaya naman agad ito napatingin sa akin.

Tinaas ko naman ang isang kilay ko na parang sinasabi na wag mag rereklamo.

Ngumiti naman siya sa akin.

"Gusto mo sayo na lang lahat?" Alok pa nito.

"Isa lang." Maikling sagot ko sa kanya at sabay kain.

Ang masasabi ko ay parehas lang talaga, walang pinagkaiba at talaga nag ienjoy siya sa ganun lasa. Actually walang lasa!

Ininom ko na lang ang strawberry milkshake at naubos ko na ito.

Napatingin ako sa relo ko may five minutes pa naman kami before next class.

Pero nag decision na kami pumunta ng next class baka kasi malate pa kami.

Naglalakad na kami hanggan sa nakarating na sa classroom wala pa ang professor.

Umupo na kami syempre nandun pa din ako sa paborito ko spot and sila aiko naman nandun sa unahan.

Nakatingin ako ngayon kay Jonas at sakto naman napatingin siya sa akin kaya naman tiningnan ko siya na meron pagbabanta na wag magrereklamo kay aiko sa ginawa nito cookies at mukha naman naintindihan nito dahil sa takot ay napatango naman siya sa akin at tumingin na ulit sa unahan.

The Herman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon