Kabanata 13

5.8K 202 25
                                    

Kai Angel

Miss na miss ko na si Aiko Laura isang linggo na kami hindi nag uusap. Iniwasan ko siya dahil natakot ako sa mga pwede mangyari dahil hindi naman kami pwede fiance ko na si sky at gusto ng parents ko na ikasal kami after 3 year nalaman ko iyon bago pa lang kami pumunta ni Aiko sa rest house kaya naman sinulit ko na ang mga sandali na kasama ko siya ng mga oras na iyon ay hiniling ko na sana hindi na matapos pa pero masakit man kailangan ko tanggapin na hindi kami pwede. Natatakot din ako na baka kapag nalaman niya na mahal ko siya. Inaamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya at siya ang aking unang pag ibig. Pero nagulat ako ng inamin niya sa akin na mahal niya din ako.

Gusto ko sabihin na mahal ko din siya nguni't pinangunahan ako ng takot na kapag nalaman niya na intersex ako baka hindi niya matanggap, natatakot ako na magalit ang parents ko at baka hindi nila matanggap kami ni Aiko, natatakot ako na baka hindi ako tanggapin ng parents niya. Pero si Sky alam niya na ang intersex ako inamin ko na sa kanya nung nakaraan linggo at tanggap niya ko.

Hindi ako mahal ni Sky at hindi ko rin naman siya mahal friend ang turingan namin sa isa't isa pero sabi niya subukan namin para mapagbigyan ang mga parents namin. Kung hindi talaga siya na mismo mag sasabi na itigil na. Tumango na lamang ako sa kanya.

Sa loob ng isang linggo lagi kami magkasama ni Sky kumakain din kami sa labas, pero hanggan ngayon wala talaga ako nararamdaman sa kanya na romantic way. Alam ko na ganun din siya sa akin.

"Miss mo na talaga siya." Sabi ni sky tumingin naman ako sa kanya.

"Sobra." Sabi ko habang nakatingin kay Aiko.

Nandito kami ngayon sa library nasa pinakadulo kami para hindi kami makita nila Aiko.

"I miss her so much." Dagdag na sabi ko, parang naiiyak na sabi ko pa.

"Lapitan na kaya natin sila." Sabi niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"Kahit hindi ko sabihin, kahit hindi ko aminin alam ko na miss na miss ko na sila..miss ko na ang babaeng iyon." Malungkot na sabi niya.

Alam ko na si Jonas ang sinasabi niya, ang alam ko na parang nagkakabutihan na sila noon pero indenial pa siya, kagaya ng ginawa ko kay Aiko, iniwasan niya din si Jonas at sinabi na layuan na siya dahil hindi daw siya bakla at ako ang gusto niya dahil fiancee niya na ako nagpakita pa nga siya ng mga picture na parang sweet kami sa isa't isa meron pa nga kami na kasama parents namin.

Napatingin ako sa darili ko, galing ito kina mommy hindi ito galing kay Sky arrange marriage kami ni sky pero wala naman propose na naganap sila lang ang may gusto na magpakasal kami. Sinuot ko ito para kapag naging kita kami ni Aiko maniwala siya na engage na ako na mahal ko si sky kahit hindi naman.

"Girl baka naman matanggap ka ni Aiko." Sabi niya sa akin. Kaya naman patingin ako sa kanya.

"Di ba mahal ka niya siguro matatanggap ka niya dahil mahal ka niya." Dagdag na sabi niya sa akin.

Napatingin ako kina Aiko.

Nakita ko na tumayo na si Aiko may lumapit sa kanya lalaki.

Bigla naman ako nainis na si Tan pala ito parang kailan lang nagpapansin ito sa akin tapos ngayon kay Aiko naman.

Ngumiti namin si Aiko kay Tan nakaramdam naman ako ng selos ng may iba siya tinitingnan at tumawa na dati sa akin lang niya iyon ginagawa.

"Ang babae iyon, sino naman ang nilalandi niya!" Napatingin naman kay Sky naiinis.

Nakita ko naka hawak na pala sa braso si Jonas kay tan.

Masayang sila nag uusap pero mukha may gusto itong Tan na ito kay Aiko kung makatingin wagas!

The Herman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon