Kabanata 12

6.7K 181 30
                                    

Aiko Laura

Sobrang saya ko talaga ng makapasok ako sa Medical University dahil matagal ko na pangarap na pumasok dito. Dahil alam ko ang Medical University ay isa sa mga sikat na Medical School sa Pilipinas na alam ko na magagaling ang mga guro at matutulungan ako upang maging magaling na nurse. Nakailang subok  na ako sa pag exam sa entrance exam ng M.U. at sa wakas nakuha ko na ang full scholarship. Masayang masaya ang parents ko sa akin proud na proud sila.

Maganda ang Medical University
Naglalakihan at magagarang building, pati na ang mga naggagandahang estudyante na kilos pa lang alam mo ng mga mayayaman.

Akala ko magiging maganda ang unang pasok ko sa Medical University pero mas lalo pala naging maganda dahil nasilayan ko si Kai Angel. Napangiti naman ako ng maalala ko na natulala ako noon nang una beses ko siya masilayan ang ganda kasi talaga niya. Kaya nga accident ko natapunan siya ng dala niya strawberry milkshake sa kanya damit na kahit lagi niya ko sinusungitan ang ganda pa din niya.

Sa kabila ng pagiging masungit niya ay may kabutihan pa din siya taglay dahil pinagtangol niya ko sa mga nambully sa akin at natuwa din ako ng sinamahan niya ko noon sa manila bay para tulungan ang mga pulubi tapos siya pa ang nag bigay ng mga food.

Naalala ko nag ipon talaga ako ng bonga para mabili yung mamahalin powder para malabhan yung kanya damit. Mas mabango kasi yung powder na iyon at mas imported tapos ilang beses ko nilabhan para masigurado mabango at malinis talaga.

Naalala ko din na palagi ko siya pinag luluto ng kanya baon para kainin sa lunch, sinasamahan ko talaga ng gulay para masustansya at syempre may kasama na love. Kinikilig naman ako dahil lagi niya kinakain ang luto ko na halatang gustong gusto niya.

Sobrang saya ko talaga ng naging kaibigan ko siya, kaya naman sobra ako nalungkot ng iniwasan niya ko pero buti na lang na tapilok ako syempre masakit matapilok pero mas masakit naman na iwasan niya ko pero buti na lang hindi niya na tiis ang kagandahan ko.

Lumipas ang isang buwan ay mas lalo naging close kami ni Kai at yung akala ko simpleng girl crush lang yung nararamdaman ko sa kanya hindi pala dahil mahal ko na siya at alam ko hindi kami pwede dahil parehas kami babae pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Ang alam ko straight ako noon never nga ako nagkacrush sa girl pero pagdating sa kanya nawawala ang pagiging straight ko sa kanya ako ganito.

Humingan ako ng malamin at tumingin sa salamin.

May date kami ngayon ni Kai at iniisip ko na date iyon.

Kinuha ko ang akin pabango na Zenzest na Cotton Flower Body Spray 150ml mabango kasi ito tapos ang gamit ko na body wash ay Cotton Flower ng Zenzest.

Halos ibuhos ko na sa katawan ko ang pabango. Amoy baby kasi ang Cotton Flower at fresh na fresh hindi rin nakakasipon.

Ngumiti naman ako at kinuha ko sa may table ang akin cute na small shoulder bag at lumabas na ng kwarto.

Nilagay ko muna ang bag sa couch tapos pumunta na ako ng kusina para mag breakfast.

"Good Morning po sa Maganda kong Ina." Sabay kiss kay Nanay.

"Good Morning po sa Gwapo kong Tatay." Sabay kiss kay Tatay.

"At Good Morning sa Cute na cute ko kapatid." Sabi ko kay Ane na medyo kinurot ko ang pisngi niya kasi medyo chubby kasi siya.

"Aray naman ate." Sabi ng kapatid ko.

Ngumiti lamang ako sa kanya at umupo na.

"Mukhang Good mood ang dalaga ko Anak." Sabi ni Tatay.

"Paano po tatay may date siya sa kanya..." Hindi ko na pinatapos na mag salita si Ane at tumingin ako dito na sige ilaglag mo ko lagot ka sa akin. Mukha naman natakot ito alam niya kasi na love ko si Kai Angel siya pa lang ay may alam pero masaya ako na tanggap niya ko.

The Herman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon