QUARANFLING 73

508 25 4
                                    

Ahmed Azarcon;
Magandang umaga, binibini!

Neily Gracielle:
Good morning!

Neily Gracielle:
May ginawa akong kanta para sayo.

Ahmed Azarcon:
Ang sweet naman ng bebe ko. Wag mo naman masyadong galingan, baka mas lalo akong mahulog sayo.

Ahmed Azarcon:
Parinig nga ako, baby.

Neily Gracielle:
Ako ay may bebe
Naglaro ng ML
'Di ko na nakita
Na-loss streak na pala
Sayang lang oras mo
Sa 'yong paglalaro
Kung nilambing mo 'ko
Masaya pa tayo.

Ahmed Azarcon:
Hindi ko alam kung maiinis ako o kikiligin, pero since bebe kita kikiligin nalang.

Ahmed Azarcon:
Kumain ka na ba? Kumain ka naaaa! 'Di ka pwede malipasan tsaka balita ko may online exam daw kayo a.

Neily Gracielle:
Paano mo alam?

Ahmed Azarcon:
Sinabi lang nung tropa ko.

Neily Gracielle:
Dami talagang babae.

Neily Gracielle:
Charot 1/3!

Ahmed Azarcon:
Tropa ko nga. Ganyan ba kayong mga babae? Kapag sinabing tropa, babae na agad naiisip.

Ahmed Azarcon:
Kay Jericho ko lang nalaman. 'Yong kapatid niya si Jo-Anna, FEU rin nag-aaral 'yon.

Ahmed Azarcon:
I'll call you later. Reviewhin kita. Multitasking dapat tayo, baby. Nag-aaral habang lumalandi.

Neily Gracielle:
Kumakain ulit ako.

Neily Gracielle:
Hindi ako magrereview. Ayaw ko na, babagsak din naman ako. Sayang lang effort.

Ahmed Azarcon:
Ano ba, Neily! Hindi ka babagsak. Sa akin ka lang babagsak, hindi sa online exam.

Quaranfling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon