QUARANFLING 80

511 28 1
                                    

Ahmed Azarcon:
Nagluluto talaga ako. Nag-open lang ako para magclaim sana kaso biglang nag-invite yung kasama ko sa squad.

Ahmed Azarcon:
Sorry.

Ahmed Azarcon:
Baby.

Ahmed Azarcon:
Neily naman. Sorry na po nakalimutan ko magsabi sayo.

You missed a call from Ahmed.

Ahmed Azarcon:
In another call ka nanaman. Hmm

Neily Gracielle:
NAKAKAINIS KA NAMAN KASI!

Ahmed Azarcon:
Sorry na po. Hindi na mauulit 'yon.

Neily Gracielle:
Paano naman ako maniniwala na kaya mong maging honest up until the end, kung mismong maliliit na bagay lang 'di mo pa kayang aminin.

Ahmed Azarcon:
Ngayon lang naman ih. Isa lang naman po 'yon, baby.

Neily Gracielle:
Nakakainis lang talaga. Hindi naman kita pinagbabawalan e. Bakit kailangan mo pa gumawa ng excuse para maglaro? Kung magsasabi ka naman, hindi naman kita pinipigilan.

Ahmed Azarcon:
Mali po ako. Sorry na, baby.

Neily Gracielle:
Matulog ka na.

Ahmed Azarcon:
Ayaw. Ayaw kong matulog na 'di tayo okay.

Neily Gracielle:
Edi bukas nalang ako magtatampo.

Ahmed Azarcon:
Paano 'yong tampo?

Neily Gracielle:
Magtatampo ako ng mga 5 seconds lang kasi hindi ka rin naman susuyo.

Ahmed Azarcon:
I love you sa magiging asawa ko. Sorry na. Promise po, baby, sa susunod magsasabi na ako agad sayo.

Neily Gracielle:
Sabagay. Bakit nga naman pala ako magdedemand, hindi mo naman ako girlfriend.

Quaranfling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon