QUARANFLING 75

499 24 5
                                    

Ahmed Azarcon:
Happy 7th chatsary! Parang kailan lang sinusungitan mo pa ako tapos ngayon sinusungitan mo pa rin.

Neily Gracielle:
Oo nga. Parang kailan lang noong nilalandi mo pa ako tapos ngayon ang landi landi mo pa rin.

Ahmed Azarcon:
Hindi kita nilalandi. Hindi tayo naglalandian. Landi is not the right term. Hindi ikaw 'yong tipo nang babae na para sa landian lang.

Ahmed Azarcon:
Itong nararamdaman ko sayo, hindi 'to simpleng landi lang. Sa tingin mo ba tatagal tayo kung landian lang 'to.

Neily Gracielle:
Oo.

Ahmed Azarcon:
Hmm. Paano mo naman nasabi?

Neily Gracielle:
Kasi mas tumatagal yung mga relationship na walang label kesa sa may label. Lol. Wag mo ako i-bash based on observations lang naman.

Ahmed Azarcon:
Tatagal tayo. Claim na natin agad. Mag-iingat naman ako e. Hindi tayo mag-aaway sa babae dahil sa akin.

Neily Gracielle:
Madali lang akong palitan.

Ahmed Azarcon:
Madali lang, pero hindi ko gagawin. Sa totoo lang natatakot ako. Natatakot akong magkamali. Natatakot akong mawala ka.

Neily Gracielle:
Ahmed, normal lang 'yung pagkakamali. Hindi natin maiiwasan 'yon, kasi part na 'yon ng buhay natin.

Neily Gracielle:
Yung pagkakamali, ayon nga 'yung nagpapatibay lalo e. Pero hindi ibig sabihin na nagpapatibay ay mo na/nating gagawin.

Ahmed Azarcon:
Opo. I love you! ❤️

Neily Gracielle:
Ang pagmamahal, hindi 'yon sa kung gaano karami ka nagsabi ng I love you. Yung totoong pagmamahal ay kung ilang beses mong narinig ang sorry, at pinatawad ang mahal mo.

Quaranfling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon