Chapter-7- A night with them

11 4 0
                                    

Max's POV

Mahigit dalawang oras ang biyahe namin papuntang siyudad kung saan naroroon ang SM Mega Mall. Habang nasa biyahe ay nagkwe-kwentuhan sila at paminsan minsan ay nakikisabay rin ako. Hindi ko maiwasang mainggit sapagkat ang saya nila. Tuloy ay nandun na naman yung pakiramdam na, 'sana katulad din nila ako', 'Bakit sila masaya samantalang ako ay kinakaibigan para lamang sumikat. Yung pakiramdam na nakakababa ng konpyansa sa sarili. Hindi ko maiwasang isipin 'kung anong meron sila na wala ako?'  Bakit Pakiramdam ko, napaka unfair ng mundo sakin? Hay!

Sa tuwing nahahalata nilang na a-out of place ako, iniiba nila ang usapan. Yung usapang makakasabay ako. Yung usapan na tiyak na ikakatuwa at ikakatawa ko. Sobrang saya nila. Kahit hindi pa kami nakakpag gala sa Mall ay alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko pagsisisihan na sumama ako. Sa halip ay ipagpasalamat ko pa na sinama nila ako.

"Ang ganda! Kyah! Matagal ko ng hindi naka tapak rito! Excited na ako!!" Tili ni Grace nung makapasok sa loob ng Mall. Napapatalon pa sa tuwa. Parang bata. ^_^

"Halata ngang excited ka, Grace." Sakristong ani Bryan. Sinamaan naman siya ng tingin ni Grace.

"Hey! Stop arguing! We're here to have some fun, not to argue!" Masungit na suway ni Jay sakanila.
Napailing nalang ako dahil under silang lahat kay Jay.

Paano niya kaya nagagawang e under ang lahat ng kaibigan niya? Tsk! Tsk! Tsk!

"Nakakatuwa naman kayo. Nakakainggit tuloy." Nakangiti bagaman malungkot na ani ko. Napatingin naman sila sakin ng may pagtataka.

"Bakit ka naman maiinggit? You have no friends?" Hindi makapaniwalang usal ni Grace. Umiling ako at kita ko pa ang pagkagulat at pagtataka sa mukha nila.

"Actually, may kaibigan ako. But hindi katulad niyo na... sobrang close at mukhang wala na talagang makakabuwag sa inyo eh." Bahagya naman akong natawa. "Karamihan, kinakaibigan nila ako para lang sa kapangyarihan at para maging topnatcher. You know na, pres. Ako kaya madaming dumidikit na haliparot!" Paliwanag ko. Kita sa mukha nila ang gulat, lungkot.

"Ahh... Dont worry! Andito naman kami. Sabi nga namin diba? Na hindi kana iba samin. If you want, dito kana samin. We're all family. Right guys?" Si Grace habang naka akbay sakin at naka ngiting nakatingin sa kaibigan.

"Yes, of course! Lahat naman tayo ay tao kaya hindi ka iba samin." Si Mikel dahilan para pigutin ni Jay ang tenga niya. "A-arayy!! Biro lang naman!" Aniya habang hinihimas himas ang parteng pinigut ni Jay kanina. Hindi ko tuloy maiwasang matawa.

"Grace is right. Kaya simula ngayon, friends na tayo!" Si Jay at umakbay rin sakin.

Nilahad ni Jay ang kamay niya kaya napatingin ako dun. "Friends?" Nakangiting aniya, umaasa.

Nakangiting tinanggap ko iyon. "Friends!" Mahina ngunit naroon sa tono ang tuwa.

Isa isa silang nakipagkamay sakin kaya hindi ko maiwasang mapangiti at pangiliran ng luha dahil sa tuwa.

Thank you for accepting me!

"Ohh? Dont cry, ate!" Natitigilan akong tumingin kay Jay.

Ate?

"Kahit hindi ko sabihin, alam naming mas matanda ka sakin ng Dalawang buwan. Kaya, Ate!" Si Jay habang tumango tango, nagmamalaki.

"Parang ang tanda ko naman kung ganun?" Natatawang ani ko kaya natawa rin sila.

"Sige na nga!"

"Ano na? Wala bang pa welcome group hug si Maxine, guys?" Si grace kaya agad naman silang nagsilapitan sakin maliban kay Carl. "Carl, ano na? Ayaw mo bang makayakap ang hinahangaan mo?" Pang aasar nito. Wala namang nagawa si Carl at lumapit sakin.

"Group hug!!" Sabay naming sigaw at niyakap ang isa't isa.

Wala silang pakialam sa paligid, samantalang ako ay nahihiya dahil sa pagsigaw namin, tuloy pinagtitinginan kami. Wala sila pakialam sa iisip ng iba, ma welcome lang ako sa grupo. Walang pakialam sa sasabihin ng mga tao, maiparamdam lang sakin na hindi ako naiiba sakanila.
Hindi ko tiloy maiwasang maluha.

Ganito pala ang pakiramdam na magkaroon ng tunay na kaibigan.

Para sakin, tunay ko naa silang kaibigan dahil sa inasta palang nila ay halata na. Kahit na hindi maganda ang unang pag uusap namin, pinakisamahan parin nila ako ng mabuti. Tuloy, naguilty ako dahil sa inasal ko nung nakaraang araw.

Unang kumalas sa pagkakayakap si Carl kaya kumalas narin ako sa pagkakayakap sakanila.

"Tara na nga! Drama tayo masyado, eh!" Pabirong asik niya kaya pinahiran ko ang luha ko na papatak na sana.

"Tara na! Hindi tayo pwedeng gabihin masyado." Ani ko kaya nagsimula na kaming maglakad, pawang nakangiti.

Una naming pinuntahan ay ang Womens shop. Mag sa-shopping daw muna kami. Ang boys naman ay pinasama ni Jay para daw maging alalay namin. Panay tuloy ang tawa namin ni Grace dahil under ni Jay ang mga ito.

My Best Friend, My lover (On Hold)Where stories live. Discover now