Chapter 3- Maxine vs. Carl

54 44 0
                                    

Max's POV

Ang tanga mo!

Masamang tingin ang ibinigay ko ka Carl. Wala pa naman akong dalang damit. Nakakainis! Ang lagkit ko tuloy.

Auurrggghh!!! This is so embarrase!

Nandidiri ako sa ice cream na tumutulo mula sa ulo ko pababa sa mukha ko. Nakikiliti ako sa paraan ng pag tulo nito.

Naiinis ako! Naawa ako sa kanya dahil napakalaki niyang tanga!

Nakatitig lang siya sakin. Mukhang hindi niya alam ang gagawin dahil nataranta ang kanyang mga mata sa mga pangyayari. Pinagtatawan at pinagbubulungan naman nila kami. Halos nasa amin lahat ng atensyon nila.

Agad akong nag iwas ng tingin ng dahil kumukulo na talaga ang dugo ko!

Nang matauhan ay agad niya akong nilapitan.

"Ms. Sorry! Hindi ko sinasadya! Sorry talaga!" Natatarantang paumanhin niya saka ako tinulungang tumayo. May kinuha naman siya sa bulsa niya at binigay sakin ang panyo.

" Why so very LAMPA?" May bahid na galit na tanong ko.

Kitang kita sa mukha niya ang takot.

Pano ako makakabihis? Wla akong damit! Punyetang lalaki ka!

" Excuse me lang Ms ha! Dahan dahan ka sa pananalita mo!" Singit ni Jay Anne.

Dahan dahan? Sira na ang araw ko, Mas sinira niya pa. Eh kung sapakin kaya kita?

" Why would I?" Taas kilay na tanong ko kaya tinaasan niya rin ako ng kilay.

" Nakakasakit kana! Nag sorry naman yung tao sayo eh!" Bulyaw niya.

"May magagawa ba ang sorry niya sa damit ko? Alam mo bang ayoko sa lahat, ay ang nadudumihan ang damit ko?" Gigil na usal ko.

"Ahh... Maxine, pwede naman natin pag usapan ito ng mahinahon diba. Saka, nag sorry naman si carl eh." Mahinahon na ani ni Grace.

NO!!!

"She's right. Pwede naman itong pag usapan ng maayos." Singit naman ni Bryan.

Ayoko!!

"Ang damit ko ang problema ko."

" Bibilhan nalang kita ng damit. Total, ako naman ang may kasalanan."

"Bilisan mo! I hate waiting, boy!"

Napalunok naman siya saka tumingin sa mga kasama, humihingi ng tulong.

Hindi naman kita kakagatin!

Tumango naman si Bryan sa senyales na sundin nalang ang sinasabi ko. Nakagat naman niya ang pang ibabang labi saka tumingin ulit sakin.

"H-hindi ko a-alam ang s-size mo eh." Aniya saka napaatungo. Napasinghal naman ako kaya muli siyang nag angat ng tingin sakin. "Pwede bang sumama ka nalang?" Dagdag pa niya.

Napabuntong hininga nalang ako saka tumango. I have no choice. Ang lagkit ko. Buti nalang nabawasan ang lagkit dahil pinunasan ko ang mga pagkaing natapon sakin, kaya medyo nabawasan ang lagkit.

Nauna akong maglakad sa kanya. Hindi ko pinansin ahat ng studyanteng nakatingin sakin. Ang importante, makabihis ako.

Pagdating ko sa parking lot ay huminto ako sa tapaat ng mga kotse. Wla siyang kotse dahil bawal pa kaya paniguradong maglalakad kami. Tinatamad akong maglakad. Psh!

Lumapit naman siya sakin saka ako sinabihang sa Metro kami bibili ng damit. And what the??!! Ang layo kaya non. Psh!

First day, cutting! Ayos!

Mga 15 minuto ang nilakad namin pero parang isang oras ang nilakad namin. Tinatamad talaga ako. Auurgh!!  Pagdating namin ay agad akong pumasok at hinayaang sumunod sakin.

Dumeretso agad ako sa Dressing section. Pumili ako ng Black T-shirt na may naka ukit na HYPER. I have no choice. Yun lang ang kulay itim don na, may ibang itim pero heart shape ang naka ukit. Sobrang corny naman non. I dont care about the price besides, siya naman ang magbabayad.

Pumili rin ako ng skinny jeans na black. Mukha naman akong magluluksa dahil puro itim lahat na pinili ko. Wala kaming kibuan simula ng umalis kami hanggang sa makabalik kami sa school.

Napapatingin naman samin yung mga nagkaklase kapag dumadaan kami. Of course, im the president. Baka iniisip nila na may pakay ako kaya ako napadaan. Yan naman palagi ang role ko eh. Pzhh!

Kaazar!

Walang sali salitang pumasok ako sa room habang nag di-discuss si Mrs. Aro, adviser namin. Habang si Carl naman ay nakangangang nakatingin sakin sa tapat ng pinto, hindi makapaniwala. Tinapunan ko lang siya ng tingin saka tuluyang umupo. Nakita ko pang inilingan ako ni Mrs. Aro pero hindi ko siya pinansin, bagkus ay tumingin nalaang ako sa bintana.

Sinabihan naman ni Mrs. Aro si Carl na pumasok na at umupo dahil nakakaistorbo siya sa diskasyon.

Nababagot ako sa pakikinig sa mga guro, puro lang kasi pakilala at si mrs. Aro lang ang nag discuss tungkol sa rules. Nang sa wakas ay nag ring na ang bell ay agad akong lumabas pero may humabol sakin. At guess who? Siya na naman.

"Pasensya na nga pala kanina. Hindi ko talaga sinasadya." Naririndi na ako dahil ilang beses na niya yang sinabi sakin. Kainis!!!!

Tiningnan ko lang siya saka tinalikuran. Hindi ako kumakain ng lunch dahil nakakawalang gana ang pila sa canteen, bagkus ay pumupunta ako sa SGG office.

Pagkarating ko sa Office ko ay wala aking nadatnan kaya umupo ako sa.mesa ko at sumubsob don at sinalpak ang earphone sa tenga ko. Makatulog nga. Masisira ang ganda ko sa stress eh.

Nagising ang diwa ko ng may humila sa earphone ko. Inis akong nag angat ng tingin at inaninag kung sino ito. Nagsalubong ang kilay ko ng nakita ko si Stacey, Secretary ko. Seryosong seryoso ang mukha niya.

May nasesence ako dito ahh...

"Pinapatawag ka ng mistress." Ang adviser ng SSG ang tinutukoy niya.
Kinakabahan ako dahil pinapatawag niya lang ako, kami kung may sasabihin at pagagalitan niya kami.

"Bakit daw?" Kinakabahang usal ko.
Nagkibit balikat lang siya saka naunang naglakad.

Baka pagalitan niya ako tungkol a nangyari kanina. Nag ditch pa ako ng class. Nah! Good luck to me! Bahala na si batman sakin.

Wla aking choice kundi ang sumunod sa kanya. Sobrang tindi ng kaba ko ng nakarating kami sa tapat ng office niya. She's so strict. Galitin mo lahat, wag lang sya. Naahhh!!! Anong gagawin ko? Mapa-praning naman ako!

Humugot muna ako ng malalim na hininga.

You can do this, Max! Youre Maxine and you're not afriad of anything.

Nanginginig na kumatok naman ako at agad naman niya akong pinapasok.
Pagpasok ko ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko at malakas ang kabog nito. Nanlamig ako sa kinatayauan ko at parang gusto kong kainin ako ng sahig kahit wla pa namang nangyayari.

Nakatalikod siya sakin at nakaupo sa swivel chair niya. Dahan dahan siyang humarap sakin kasabay ng pag bilis ng tibok ng puso ko at pagtindig ng mga balahibo ko. Ngumiti naman siya at pinapaupo ako. At dahil ngumiti siya, medyo nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Medyo nakahinga ako ng maluwag.

" Pinapunta kita rito dahil may gusto akong sabihin." Panimula niya. Medyo kinakabahan parin ako.
Ngumiti siya."gusto kong ikaw ang mag sasa-ayos sa ating Intramurals. Ngayong hulyo na ito. Mapapaaga ang intrams natin dahil napagdesisyonan ng mga guro na mas unahin ang mga activity dito sa paaralan pagkatapos non ay puro pag aaral nalang anng aatupagin niyo. Mas mainam narin yun para hindi nahahati ang oras mo."

Whatttt?????!!!

"Pero mistress, pano ang mga up coming na mga activity? Saka, ang saklap naman nun kung boung school year ay nag aaral lang kami at wlang mga activity." Nakangusong sabi ko. Nilagay niya ang magkabilang siko sa mesa at pinatong ang baba sa kamay.

"Hindi naman natin ipagpaliban ang ibang okasyon, ang okasyon lang mula sa hunyo hanggang agusto ang ipapaaga natin. Hindi naman masyadong marami ang okasyon sa mga susunod na buwan." Pagpapaintindi niya. Napabuntong hininga nalang ako.

Still, its unfair!

Pero, mas mabuti nalang yun kesa naman pagalitan ako. Psh!

Pumayag ako sa kasunduan namin ni Mistress. Agad ko namang pinatawag lahat ng alagad ko saka namin pinagusapan ang tungkol sa intrams namin. Elementary pa nga lang kami, mala high school na ang dating. Psh!

Pinagusapan namin ang tungkol sa mga booth. May nag suggest naman ng horror booth, Marriage booth, Blind date booth, at iba pa. Agree naman ako sa mga suggestion nila kaso, yung blind date at marriage booth ang pinoproblema ko dahil parang napaka bata pa naman siguro namin para dyan. Pero sa huli ay napapayag nila ako.

Agad na natapos ang meeting namin at pinabalik ko na sila sa kani kanilang silid.

Umupo at sumandal ako sa upuan ko. Doon ko lang naramdaman ang pagod at sakit ng lalamunan ko, kaya agad akong uminom ng malamig na tubig at saka pumikit.

Aiiissh!!! First day na first day, ang busy ko! Pinagsisihan ko talagang pumayag akong maging presidente. Auurgh!

Damn! Im so drained! This is so fetch!

- To Be Continued -

My Best Friend, My lover (On Hold)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora