Chapter 6- Friends?

14 5 2
                                    

Carl's POV

Nandito kami ngayon sa covered  court lahat. First friday mass kasi ngayon at kailangan lahat ng estudyande ay dadalo maliban sa hindi catholic. Nasa harapan kaming apat, sa bandang kaliwa at sa bandang kanan naman ang mga SSG Officers kasali na dun si Max. At sa gitna ang Mistress. Nagulat nga silang lahat nung biglang sumulpot si Maxine kanina sa ikalawang subject namin eh. Pano kasi, derederetso syang umupo. At hindi narin aki makatingin sa kanya ng deretso kada magkasalubong at magkausap kami. Tsk!

"Bro, ok kalang? Balisa ka ata?" Bulong sakin ni Mikel. Kanina pa talaaga ako balisa. At kasalanan yun ni Maxine! Psh!

"Ayos lang! Nagsimula na ba?" Umiling siya kaya sumandal ako sa upuan at pasimpleng lumingon sa gawi ni Maxine at saka iginala ang panungin sa lahat ng estudyante na naroon sa baba ng stage.

Nangunot ang noo ko ng mapansin ang lalaking titig na titig. At dahil sa kuryosidad, nikingon ko rin ang kanyang tinititigan. Si Maxine! Ano naman ang tinititigan niya dyan? Aish! Naiinis ako! Bakit ba? Baliw na talaaga ako!  Kung nakakatunaw lang ang titig, matagal ng tunaw yang si Maxine. May gusto ba siya kay Maxine? Nagsulubong ang mga kilay ko. Ka ano ano naman niya si Maxine?

Para aking tanga na nagpalipat lipat ng tingin sa dalawa. Si Maxine ay kausap ang Secretary niya, yung lalaki namaan ay titig na titig parin kay Maxine. Iba ang tingin niya, yung tipong, nagniningning ang mga mata niya. May ata toh ke maxine eh! Ano bang paki alam ko? Psh!

"Good afternoon, students! Can you please stand, and sing our Opening song." Si Maxine at nagsitayuan ang mga tao.

Pinatugtug na ang power of love at saka iyon sinabayan ng mga singer ng simbahan at saka namin. Napansin ko, habang kumakanta ay nakatitig rin si Mikel kay Maxine, pero pinagsawalang bahala ko na iyon. Dumating na.ang pari at nagsimula na ang misa pero ang ang isip ko lumilipad, tulala. Natauhan lang ako nung nagsiluhodan na ang nga kasama ko kaya ginaya ko rin sila. Palihim pa akong sumulyap sa gawi ni Maxine na ngayon ay nakaapikit at nakaluhod. Bumuntong hininga nalang ako at pumikit ulit. Ilang sandali ay pumila na ang karamihan para sa bread of crist. Ako ang nag lead sa ikatlong pila. Si jay ang una, sunod si Grace, ako, si Michael. Ang daming pila kaya hinati hati kami.

Sa kabila naman ay Una si Maxine, sunod ang Vice niya, Secretary, P.I.O. at sa gitna ang pare. Panandaliang nawala ang pagiging balisa ko dahil sa sobrang dami ng nakapila at ang iba ay naubusan na kaya wala silang magawa kundi ang bumalik sa upuan at Magdasal. Kahit kami ay hindi nakakain ng Bread of Crist. At dahil dun nakaramdam ako ng pagod at agad na isinubsob ang ulo ko sa mesa ko ng makaabaoik sa room. Hindi ako naglinis, Nakinig sa last subject namin. Basta, natulog lang ako.

"Jay, dito muna tayo. Maaga pa naman eh." Si grace. Isang hapon ng mag dismissal na at nandito kami sa pinakamalaking Grandstand sa boung school.

"Sige!" Yun lang at humiga na siya.

"Guys! Ngayong Sabado na ang road trip natin diba?" Si mikel.

Pinagsasabi niya?

"No! Next Saturday!" Si Jay habang nakapikit parin.

"Pinagsasabi niyo? Anong road trip? Bakit wala aking alam? Kayo ha!" Deretsong aniko. Natawa naman si Mikel saka ako binatukan." Pakyu, bro!" Singhal ko.

"Ulol! Lutang ka kasi! Road trip tayo para sa advanced Birthday celebration ni Jay!"

Ganun ba?

"Oo nga! Saka, bakit kaba balisa? Para kang nakakita ng  multo na hindi naka recover! Ulol!" Si Jay.

Dahil nga Kay maxine! Aish!

"Psh! Inaantok lang ako. Saka,san naman tayo pupunta?"

"Tagaytay!" Parang bata na sabi ni Grace kaya nagtawanan kami. Ngumuso naman siya....

"Tayo lang?"

"Hindi! Kasama si Maxine." Bumangon siya at hinarap ako. "Shes interesting, kaya isasama natin siya." Nakangising aniya.

Bakit? Nahh! Ayokoooo!!!! Hindi pa ako handa na makausap siya ulit. Mga ulol kayo! Interesting your Ass!

Pinagusapan pa namin ang about sa RT namin at kailangan may kasamang guardian. Pagkatapos nun ay umuwi narin kami dahil pagod na rin ako. Habang naglalakad kami palabas ay nakita namin si Maxine na kausap yung lalaki kanina. Yung titig na titg sakanya. May itsura naman siya eh! Nakakunot ang noo ni Maxine kaya hindi ko maiwasang magtaka.

"Hey, Jay! Si maxine oh!" Si grace. Nakita din palaa niya. Kala ko ako lang.

"Perfect timing!" Nakaangiting aniya.

Lumapit sila dun kaya nag katinginann muna kami ni mikel at kibit balikat at sumunod.

Maxine POV

My Best Friend, My lover (On Hold)Onde histórias criam vida. Descubra agora