Ryon's P.OV
May isa na rin nakakaalam ng sikreto ko sa mga tropa ko buti nalang kasi mahirap talaga magsikreto lalo na kapag ganito pa yung itatago mo. Kailangan ko na mag ayos para maaga kami makalaro ng Ps4 hanggang sa may nagdoorbell sa pintuan namin... Si Sergio pala hindi ko alam kung bakit nandito ito hindi ko naman chinat to na pumunta samin.
"Hoy Ryon tara laro"
"Gago bakit ang aga mong nandito?"
"Shempre para maglaro"
"Hindi mo naman ako ininform kahapon leche ka"
"Kailangan pa ba? Tsaka wala akong cellphone remember??"
"Oo na sesetup ko lang hindi pako naliligo bwiset ka"
"Ayan ambantot mo shoo"
"Mabantot agad hindi lang naligo? Tsaka pupunta rin si Richard dito eh"
"Goods para may madurog ako sa Tekken"
"Well tingnan nalang natin"
"Antagal mo naman mag setup niyan"
"Wait may lakad kaba bakit nagmamadali?"
"Hayssst by the way nasaan yung mga tao dito?"
"Alam mo na nasa work"
"Ay ebarg talaga kayo mga workaholic kahit weekends"
"Sunday lang pahinga ng mga yon noh"
"Kaya ang yaman niyo eh"
"Leche ka ayan na laro ka muna liligo pako eh"
"K bilisan mo nalang ha para madurog kita"
"Ulol paulit ulit? Durugin ko na yang ulo mo eh"
"Gawin mo ngaaaaa"
"Tangina mo maglaro kana jan liligo pako baka silipan mo pa ko ah"
"Ang balahura mo sa part na yan dun kana deputa ka"
Ayaw niya pa kasi ako paliguin puro chika kaya hindi ako natatapos sa gagawin ko. Nung natapos ako naligo chinat ko si Richard kung ano na yung ganap niya kasi palagi tong nalelate ng gising
Sergio's P.O.V
Seryoso? 0-3 ako kay Ryon sa laro namin wala talaga akong bawi dito pag sa laro lalo na dito sa Ps4 parang kabisado niya na laro dito eh.
"Hoy nandadaya ka no?"
"Talo ka lang eh HAHAHA"
"Luh epal to oh kala mo nakakatuwa hmpp"
"Sabi ko sayo palakas ka muna eh hayss antayin mo si Richard baka kaya mong durugin yon"
"Ako pa ba?"
"Pag natalo ka mahina ka talaga HAHAHAH"
"Osige ba tingnan nalang naten"
"Bago yan nakita mo na yung announcement sa bagong gawa na gc?"
"Huh? May gc? Anong gc? Tsaka mukha ba akong nakakapag messenger?"
"Ayyy sorry aken wala ka nga palang phone wait pakita ko sayo wag kang mabibigla ah"
"Sure why not"
Pinakita ni Ryon sakin yung bagong announcement sa Group chat na hindi ko alam kung kailan nagawa. May bago nanaman silang pautot at hindi naman bago yon every school year pero mas grabe itong pautot nila.
From: Judy Simerly
"This is a big announcement for everyone. Starting on Monday we are going to prepare exams regarding on your previous topics last year and random questions per subject ang nakalagay sa exam para makita po namin if may natutunan kayo last year kasi po this year magiging mahigpit na po kami dahil pa proceed na kayo sa Senior High school at para matrain din kayo. Out of 100 po yung exam and ang passing score po is 60 ang hindi po pumasa malalagay po sa Section 3 bagong Section po yan para malaman po namin kung sino yung maigi naming matuturuan at para naman sa nakapasa you may remain staying in your current section at mate test din namin dito kung sino yung umaasa sa iba kaya ginawa namin ito. Goodluck at sana madami ang makapasa sainyo at kung may time kayo mag review gawin niyo na habang may time kayo. Good Bless and goodluck"
YOU ARE READING
The Moment I Live For
Non-Fiction"Life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced." Isa 'yan sa paborito kong quotation noong bata ako. Ang perpekto nga ng pamilya namin at kontento din sa mga bagay bagay kaso minsan naiisip ko rin kung gaano ako nag-iisa. Yung...