Ryon's P.O.V
Feel ko narinig lahat ni Richard yung pinag usapan namin ni mama kaya naman niyaya ko siya mamaya sa rooftop para mag usap kami. Kakaiba ito kasi minsan lang kami mag usap nito at hindi pa rin masyadong close kahit na kasama sa tropa alam mo na tahimik din to eh. Nakakaboring naman dito sa kwarto wala akong magawa gusto kong gumala pero bawal kaya ang gagawin ko nalang is magpapatugtog ng my favorite kpop band na 'TWICE' ang gaganda nila lahat lalo na yung favorite bias ko na si 'SANA' tapos ang gagaling nilang sumayaw. Sayang nga lang hindi ako makakapunta sa concert nila this year kasi nagkaubusan na ng ticket sayang nga din yung pila ko don eh napaka haba pa naman ambagal kasi ng cashier doon napakabulok HAHAHA pero okay lang mag iipon ulit ako para mapa VIP ko na ito kasi hanggang Gen Ad lang yung afford ko ngayon eh HAHAHA mas inuna ko pa light stick kaysa sa ticket kaya ipon muna ako.
Ano pa ba pwede kong gawin?? Hmmm buti nalang may Ps4 at wala mga kuya ko masosolo ko to si mama nasa kwarto lang niya kasi umabsent siya ngayon para ipacheckup ako kasi grabe talaga yung symptoms nung sakit ko kahapon akala ko hindi na yon magpaparamdam pero mukhang katapusan ko na HAHAHAH char pero may pag asa pa rin si mama kaya itutuloy niya pa rin yung pagpapagamot niya sakin. Sana hindi mahal pero ineexpect ko na mas mahal pa ito sa tuition ko nakakairita naman kasi hindi ko naman alam kung saan ko nakuha itong sakit na to hindi siya nakakatuwa nakakabwisit pa siya ang gastos sobra. Sabi din ng doctor samin na magpacheckup weekly para maagapan yung ibang symptoms nito kaya naman sinabi ko na Sabado lang ako libre kasi sa Linggo wala naman si Doc syempre day off yun eh.
Halos 6hrs. ang nakalipas kakalaro ko lang ng Ps4 grabe talaga kapag naadik ka sa nilalaro mo hindi mo mamamalayan ang oras. Nakauwi na rin yung dalawa kong kapatid pati si papa kaya naman si mama naghahanda na ng pagkain para sabay sabay na kaming maghapunan ganito kami palagi eh kaya wala ng bago. Malapit ng mag 7 ng gabi kaya nagpaalam ako kay mama na pupunta lang ako sa rooftop ng condo kasama si Richard at pumayag naman ito pero huwag lang masyadong gabihin doon kasi alam mo na wala ka nang mapagkakatiwalaan sa labas ngayon kaya naman chinat ko na si Richard kung nasaan na siya baka nakalimutan na niya yung sinabi ko kanina.
From: Ryon Sakamoto
"Tol mamayang 7 haaaaaaaa wag mo kakalimutan kilala pa naman kita baka mapasarap yung gala mo dyan HAHAHAHA"
Sent 6:37PM
Alam ko naman na may gala to eh kaya sinabi ko mag meet nalang kami sa rooftoo syempre ito paba mawawalan ng gala? Napaka impossible na non HAHAHA. Biglang nagvibrate yung phone ko at nagreply na pala siya.
From: Richard Booker
"Oo tol hahaha malelate lang saglit kasi antagal nila eh para sabay sabay na kami uuwi"
Sent 6:50PM
Hindi naman siya late magreply kaya minsan nakakatulugan ko to kapag may tinatanong na assignment paano ba naman kasi sa sobrang bagal niya magreply makakatulugan mo talaga minsan nga ikaw pa tutulugan nito kaya nasasayang lang yung hintay mo HAHAHA pero ganito talaga to eh napaka antukin lalo na sa room kaya madalas napapagtripan. Nagready nako ng dalawang Coke in can para saming dalawa para chill lang kami sa rooftop at sinabi ko kay mama na aakyat nako kasi 7 na actually lagpas na nga eh baka andoon na siya kaya nag elevator nalang ako hangg 33 floors lang naman mayroon itong condo namin eh kaya mabilis lang kapag nag elevator ka huwag nga lang bukas ng bukas kasi nakakairita talaga yon at nagpapabagal ng sobra. Nakarating na ako sa rooftop at wala pa pala siya masyado ata akong nagmamadali? Pero sakto lang ako kasi lagpas naman na ng 7 eh pero sinabi niya naman na malelate siya kaya okay lang yon.
Richard's P.O.V
Late nako ng halos 30 Minutes kasi natraffic ako tsaka napatagal yung pagtambay ulit nila kina Shelia after naming magbilyar kasi naubos na pera namin kaya tumambay nalang sa kanila pampaubos ng oras kasi wala din namang ginagawa sa bahay. Mga 8 nako nakarating sa rooftop pati sa elevator natraffic pa ako kasi madami ding nag uuwian sa condo kaya kada floor nagbubukas. Pagkarating ko palang sa rooftop nakita ko na agad si Ryon na nakahiga at nakatingin lang salangit magdamag hanggang sa napansin niya ako
YOU ARE READING
The Moment I Live For
Saggistica"Life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced." Isa 'yan sa paborito kong quotation noong bata ako. Ang perpekto nga ng pamilya namin at kontento din sa mga bagay bagay kaso minsan naiisip ko rin kung gaano ako nag-iisa. Yung...