Text Message
Cedric
Oct 25, 1:16 AM
Hindi ka ba pinagalitan? 12 mn curfew mo diba?
Yup pero hindi naman nagalit basta hindi nadaw mauulit.
Buti naman. Sorry kung natagalan tayo.
Hindi mo naman kasalanan. Hindi kasi natin napansin ang oras.
Oo nga eh. Sana nag enjoy ka.
Oo naman no.
Feeling better?
Yup. Thank you for being there
And also for the treat.
You're welcome.
Ginulat mo naman ako bigla ka nalang pumunta dito sa bahay.
Gusto lang kitang pasayahin. Magiging magkaibigan ba kayo ni Aurora kung di kayo mahilig sa libre? Kaya alam kong magiging masaya ka.
Haha lahat naman siguro matutuwa sa libre pero kung mauulit man tong paglabas natin dapat KKB, pinaghirapan mo yang pera mo no.
Kung yan ang gusto mo.
Mahal din yun. Sa korean restau mo pa ako dinala. Pwede namang sa fast food nalang, kahit anong pagkain, sasaya naman ako.
Next time.
Pero it doesn't mean di na ako galit sayo.
Galit ka?
Slight
Sorry kung hindi agad ako nagpakilala, nahihiya talaga ako
Pero nung sinabi kong kilala kita, agad agad ka naman pumunta sa bahay tapos manlilibre? Napakamahiyain mo naman pala.
Creepy mo talaga nun. Tinakot mo ako. Akala ko talaga stalker kita pero narealized ko na di naman ako maganda para magkaroon ng stalker.
Di naman lahat ng stalker, mukha lang tinitingnan.
Isa ka na dun?
Oo pero di ko sinasabi na di ka maganda ah.
Ganda mo kaya.
Sus maliit na bagay
HAHAHAHHHA charot.
Yas I love the confidence.
Pero sorry talaga kung natakot kita.
Di ko talaga sinasadya. Concern lang ako nun kasi alam kong malungkot ka.
Di ka lang pala stalker, chismoso karin. Ba't mo alam na malungkot ako?
Sa mga pinapakinggan mong kanta.
Owkayyy
Pero sige na nga. Nilibre mo naman ako ngayon.
Salamat
Shopee
Gago!
Minumura mo ba ako?
charot
alam ko yan
HAHAHHAHAHAHHA
Laptrip talaga yun. Minura ba naman
Nakakaloka talaga
Kaya nga. Kung ako tinawagan ni kuya Wil, pagsagot palang niya sabihin ko agad salamat shopee.
Sameeee
Haha
Pahiga ka na. Alam kong pagod ka na.
Magiging okay karin.
Sana nga.
I'm sure pagod ka din dahil galing ka pa sa work kaya thank you talaga.
Wala yun.
Sleep well
Ikaw din.
