Messenger
lEts gO tØ thE bEaCh b3acH!
Oct 25, 5:59 PM
Aurora Garcia created the group
Aurora Garcia added Apollo Garcia to the group
Aurora Garcia added Edison D to the group
Aurora Garcia added Cedric Garcia to the Group
Apollo: Ano na naman to Aurora?
Aurora: Basahin mo. Di ka ba marunong magbasa?
Apollo: Ikaw lang nakakabasa niyan no. Ikaw lang kaya ang certified jejemon dito. Ginawa mo pa kaming members mo!
Aurora: Ang sabihin mo bobo ka.
Edison: Game! Maganda talagang pumunta sa beach. Daming hot na babae.
Apollo: Gago! Manyak mo
Apollo: Pero agree masarap sa mata ang mga babae sa beach.
Apollo: este sarap mag beach
Aurora: Hay nako boys! Tigil nga muna.
Edison: Kailan ba?
Aurora: Bukas. 2 days tayo.
Cedric: Ayaw ko. Katamad.
Apollo: Tayong apat lang ba?
Aurora: Lima. Sasama si Alou.
Aurora: Ay nakalimutan kong iadd
Aurora Garcia added you to the group
Cedric: Tara G
Apollo: Hmm
Edison: Kala ko ba tinatamad?
Edison: Sinabi lang na sasama si Alou, sasama nadin siya yieeee
Cedric: Tsk
Grabe ka Aurora, kinalimutan mo naman ako
Apollo: Dito ka nalang kay Cedric, Alou. Di ka makakalimutan niyan
Joker pala tung pinsan mo Aurora eh.
Hello pala guys
Edison: Hi Amor
Apollo: Feeling close
Haha hindi naman no
Aurora: Behave nga muna kayo. Plano tayo guys. Saan ba maganda?
How about Samal?
Aurora: Saan naman?
Edison: Camp Holiday para malapit lang.
Apollo: G
Okay lang rin sakin
Cedric: Ge
Aurora: Kaninong sasakyan? Hiram ka sa kuya Carl mo, Apollo.
Apollo: Wait.
Aurora: Daan nalang tayo grocery bukas.
Baka mas matagalan tayo.
Ngayon nalang kaya?
Aurora: Katamad na ngayon. Kailangan ko pang maghanda sa dadalhin ko bukas.
Mabilis lang naman no.
Aurora: Samahan niyo si Alou
Apollo: Pumayag si kuya. Ayaw kong magdrive ha.
Edison: Ako nalang.
Aurora: At papatayin mo kami? Si kuya magdadrive. Period.
Edison: Anong akala mo sakin di marunong?
Aurora: Oo. Binangga mo pa nga sasakyan ng papa mo noon. Anong say mo ngayon?
Edison: Past is past. Di mo ba alam na kapag nabangga ka daw, mas gagaling ka.
Aurora: Tseh! Si kuya magdadrive! Ayaw ko pang mamatay no.
Apollo: Dami niyong satsat. Tara grocery tayo.
Kaya nga
Tara!
Edison: Apollo, diba masakit tiyan mo?
Apollo: Ha? Di naman ah.
Edison: Sabi mo kanina nagtatae ka. Masakit na rin ulo ko eh.
Edison: Kayo nalang ni Cedric, Amor.
Apollo: Ay oo sumakit ulo ko kanina.
Ha? Akala ko ba tiyan mo masakit?
Apollo: I mean tiyan ko
Edison: Super sakit rin ng ulo ko.
Apollo: Cedric samahan mo.
Aurora: Damihan niyo snacks ha. Wag din kalimutan ang meat kasi mag gigrill tayo. May restau naman doon kaya doon tayo magdidinner.
Aurora: I'm so exciteddddddddd
Di halata.
Tara kuya Cedric.
Edison: HAHHAHAHAHAHHA kuya
Apollo: HAHHAHAHHAHAHHA
Cedric: Tsk.
Cedric: Kita nalang tayo sa supermarket, Alou.
Okay.
Text text nalang.
Edison: Uy textmate.
Apollo: Sana all