Messenger
Drama Queens
Oct 24, 8:50 PM
Auroraskie: Anong tawag kapag naging mag jowa ang ex at kaibigan mo?
Auroraskie: Sagot!
Auroraskie: Ako na nga lang
Auroraskie: Edi sagip kapamilya
Appleskie left the group
Aurora!
Hayaan mo na sila please
Ayaw kong masira pinagsamahan nating tatlo.
Auroraskie: Sirang sira na, Alou. Ang tanga lang. Alam naman niya kung paano ka nasaktan tapos malalaman lang natin na siya pala yung babae ni Jude?
Auroraskie: Ano? Kaplastikan lang lahat ng mga advice niya noon? Kasi in the first place, siya pala babae ni Jude.
Auroraskie: Apakatangina din ng Jude nayan eh. MANLOLOKO!
Ayos lang ba sayo masira pagkakaibigan nating tatlo dahil lang sa lalaki?
Auroraskie: Ayos lang din ba sayong gaguhin ka ng sarili mong kaibigan at ex boyfriend?
Auroraskie: Magalit ka naman, Alou!
Galit ako pero mas nasasaktan ako, Aurora. Pero hindi ko alam saan kukuha ng lakas para magalit sa kanila. Kay Jude siguro kaya ko pero kay Apple? Ang hirap. Mas matagal kaming magkasama ni Apple. Mas masakit palang malaman mo na kaya kang lokohin ng sarili mong kaibigan. Oo kailangan naming mag usap ni Jude pero hindi naman sa ganung paraan. Kailangan bang magkasama silang dalawa habang sinasabi nila iyon? Ang alam ko kami lang mag uusap ni Apple. Ang sakit sakit. Pano nila nagawa sakin to? Naging masama ba ako kay Apple? Naging masama ba ako sa kanila? Saan ba ako nagkulang kay Jude?
Auroraskie: Wala kang masamang ginawa at lalong lalo na hindi ka nagkulang, Aurora. si Jude lang talaga ang hindi nakontento.
Auroraskie: Silang dalawa ang may mali.