066

154 6 0
                                    

Text message

Cedric

Nov 12, 9:30 PM

Sayang hindi na kita naabutan dito sa bahay.

Nagmamadali kasi ako. May pinapabili si papa.

Sabi nga ni Aurora.

Ihahatid sana kita.

Hindi naman na kailangan. Yakang yaka kong magcommute no. I don't know why pero naeenjoy talaga akong magcommute.

Ganon ba? Para sakin, hassle eh.

Pagod ka na kasi sa work mo

Yun na nga

Nakausap ko pala si mama

Napansin ni mama na hindi na kayo maingay

Maingay naman pero mas maingay talaga kami pag pinagsama kaming tatlo ni Aurora at Apple.

Napansin ko rin yun.

Well. I need to accept na hindi na lahat gaya ng dati.

Magiging maayos din ang lahat. I know mapapatawad mo rin siya.

You need to acknowledge your feelings, Alou. Hindi yan mawawala kung palagi mong itatago. 

Deep in your heart, galit ka sa kaniya. Pero normal lang naman magalit dahil may ginawa naman siyang mali. Alam kong nasasaktan ka parin kaya mabigat parin ang loob mo sa nangyayari. Ayaw ko mang manghimasok pero ayaw kong nakikita kang malungkot at maging miserable sa mga bagay na hindi mo naman kontrolado. 

Noong una nasasaktan lang ako pero habang tumatagal, nakakaramdam ako ng galit. Ayaw ko man maramdaman ito  pero hindi ko mapigilan. Siguro di ko pa nga sila napatawad. Sinabi ko na sana maging masaya sila but I secretly wish na hindi.

Ang hirap magpatawad.

I know hindi madali pero para lang rin naman yan sayo. 

Hindi mo naman kasi alam ang nararamdaman ko dahil hindi mo naman alam ang pakiramdam ng niloko at iniwan.

I understand na galit ka pero sana hindi ka magiging masamang tao para sakanila. Hindi rin ibig sabihin na dahil may kasalanan silang nagawa ay mas mabuti ka pa sa kanila.

Lahat naman tayo nagkakamali. Gusto mo ba kapag ikaw na yung may ginawang mali, gusto mo rin bang hindi ka patawarin? Ang diyos nga nakapagpatawad, tayo pa kaya na tao lang?  

Kung may taong nagkasala saiyo, let them deal alone with the consequences. Wag na tayong mag isip ng masama sa kanila. Kasi tayo lang ang magiging miserable eh. Move forward nalang tayo.

Wag mong isarado ang puso mo sa pagbabatawad, Alou. 

Please

It's for yourself.

In time, alam kong  mapapatawad ko din sila.

But of course, you are allowed to feel the pain. Kaya heal in your own time. Forgive during your time.

Minsang nagpapatawad tayo hindi para sa mga taong may ginawang mali satin kundi para sa sarili natin. Para maalis lahat ng hatreds at grudge mo sa taong yun. 

At para maging masaya at malaya ka na.

Thank you Sir

Ikaw yung deserving ilibre at hindi si Aurora eh.

Tara libre nga kita

Ayaw ko.

Sige na please. 

Gusto ko muna kalimutan problema ko. Siguro kaya di ko nakakalimutan dahil hindi ko naman pinapayagan ang sarili ko gawin yun. I want to start it with you. It doesn't mean I use you and I'm not taking advantage of your feelings towards me ha. 

I know. 

I want you to know that I'm willing to help you. Para maging masaya ka na.

Uhm

What? May sasabihin ka pa? 

Nahihiya ako eh

Marunong ka pala mahiya? Ang kapal kaya ng pagmumukha nyo ni Aurora.

Hoy namemersonal ka na ah

Gusto mo iisa isahin ko mga kahihiyan na ginawa niyo?

WAGGGG

Just kidding

Sabihin mo na kasi

OO NA OO NA

Gusto ko lang sabihin na gusto kong makalimot kasama ka. Kasi kapag nagkakasama tayo, nakakalimutan ko problema ko. I don't know pero masaya ako kahit mas madalas di tayo nag uusap. I'm really comfortable being with you. Komporatable naman ako kay Aurora kaso maingay. Minsan kasi gusto ko tahimik 

pero I don't want to be alone because I will end up thinking of them.

Are you willing to be with me? 

Ofcourse. 

And I'm glad that I can make you happy.

 Pero hindi ba magagalit si tito?

Magpapaalam naman ako. Basta di malalampas sa curfew ko. Kilala ka naman nun kaya alam kong papayag.

Pero diba sabi mo KKB sa susunod na labas.

Libre na kita. Sige na please .

Hays

Sige na nga

Yey

with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon