071

156 5 0
                                    

Messenger

Cuz of tea

Dec 5, 10:30 PM

Edison: Tapatin mo nga kami insan. Mag ano na ba kayo ni Amor?

Anong ano?

Edison: Kayo na ba?

Hindi pa.

Friends pa lang kami.

Edison: Friends? Lagi nalang lumalabas. Pagmagkasama tayo, palaging kang nagpophone.

Friends naman talaga. Hindi ba pwedeng lumabas at textmate ang friends?

Edison: GAgo! Friends tapos sweet? Di ka naman sweet samin

Di tayo friends, magpinsan tayo

Tunog nagseselos ka alam mo yun

Edison: Oo nagseselos ako!

Ikaw tung gago

Apollo: Screenshot ko to. Isesend ko kay Amor. Ayaw pa naman nun nagmumura. Turn off na siya sayo

Tsk

Tumigil ka nga sa pagbibiro jan Edison.

Edison: Hindi ako nagbibiro. Totoong nagseselos ako!

Edison: Usto ko rin friends na ganyan.

Edison: Penge naman kaming friends na ganyan.

Bobo mo talaga. Di mo ba alam kaibahan ng inggit at selos?

Apollo: Bobo talaga yan. Di ko nga alam kung pinsan ba talaga natin yan. La tayong pinsan na bobo.

Edison: Wow nagsalita

Edison: Sorry mga matatalino ha

Edison: Sumbong ko kayo kay kuya Cardo jan eh.

Apollo: Dalisay lang apilyedo mo pero di mo kapatid si Cardo no.

Edison: Tsk.

Baka nga di ka rin tanggap dun kung magkapatid talaga kayo.

Edison: Alam niyo gago kayo.

Apollo: Ikaw rin.

Edison: Sana hindi kayo magkakajowa.

Edison: Sana hindi ka sagutin ni Alou, Cedric.

Apollo: Nanliligaw ka na ba insan?

Hindi pa.

Liligawan ko naman siya pero hindi pa ngayon ang tamang oras. I don't want to complicate things. Alam mo naman galing pa siya sa break up.

Apollo: Good point. Pero mukhang okay naman na siya. Nakikita ko naman siyang masaya.

Di naman ako nagmamadali. Kontento na nga ako dahil napapansin niya na ako di tulad ng dati.

Edison: Sana all pinansin ni crush.

Apollo: May Jude na si Apple, Edison. Hanap ka na.

Edison:  Matagal nang iba crush ko no. Dami ko kayang crush. Para more chances of winning.

Gago!

Apollo: Malapi na pasko. Ibahin ko na ba group name natin?

Bakit?

Ano naman?

Edison: SMP

SMP?

Edison: SAMAHAN NG MALAMIG ANG PASKO!

Edison: Apollo, saan bang planeta galing tung si Cedric?

Apollo: Di ko rin alam.

Wag niyo na palitan. Kayo lang naman ang malamig  ang pasko.

Edison: Ala feeling. Friends lang naman

Atleast pinansin.

Apollo: Ligawan mo na kasi pinsan.

Soon.



with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon