Text Message
Jude
Sep 20, 9:30 PM
Alou...
Yes baby?
Sorry
Huh? Ba't ka nagsosorry?
Pagod na ako, Alou
Pagod saan?
Satin. Sa relasyon natin
Nakikipaghiwalay ka ba? Jude naman. Di magandang biro yan.
Pagod na ako and I'm really sorry kung nakakaramdam ako nito. Di ko naman ginusto to eh.
Di ako nagbibiro, Alou. Pasensya na. Pagod na ako.
Hindi naman yan sapat na rason para iwan mo ako, Jude eh. Pwede naman tayong magpahinga. Right?
Jude please wag naman oh
Bawiin mo sinabi mo please.
Hindi pa ba sapat yung di mo pagpaparamdam ng halos tatlong buwan? Yun nayun diba? Kaya ka di nagparamdam kasi pagod ka, nagpapahinga ka.
Akala ko ba napatawad mo na ako dun? Ano binabalik mo na naman?
Napatawad na kita pero di ko naman agad makalimutan yun, Jude.
Hirap kalimutan ng mga araw na para akong tangang naghihintay sayo.
Akala ko nga ayos na ulit eh.
Tapos bigla ka nalang makikipaghiwalay sakin.
Ano bang nangyayari satin?
Masaya naman tayo diba? Ba't biglang naging ganito?
Pagod na ako, Alou. Pasensya na.
Tanginang pagod yan. Isang taon na tayo tapos ngayon ka pa mapapagod?
I'm really sorry
Minsan napapagod din naman ako pero di ko naman ginawang reason yan para iwan ka.
Kasi mahal kita Jude eh
Kaya hindi ko maintidihan kung bakit ang dali mong iwanan ako.
Sorry talaga.
Tapos na tayo, Alou.
Salamat nalang sa lahat.