HISTORY
[Xena]
Natigilan ako sa sinabi ni Tana. Napaangat ang dalawang kilay ko sa narinig.
Roommate niya 'yong lalaking 'yon?
"Tsk, ni hindi man lang siya sumasagot kapag kinakausap ko siya," pagreklamo ng babaeng kaharap ko.
Napabuntong-hininga ako at tawa na lamang ang naisagot ko sa kaniya. Mas pinoproblema niya pa 'yong roommate niya kaysa sa klase.
Speaking of-
"Tana, alam mo ba ang mga subject natin?" pag-iiba ko.
Nakuha ko ang atensyon ni Tana at napunta ang tingin niya sa akin.
"Hm, alam ko iba ang mga subject natin kada araw eh. Sa pagkakaalala ko, ang una nating subject ay..."
Nag-isip nang matagal si Tana bago maalala kung ano ang subject.
"Ah tama! History!" sagot nito.
Pasimpleng kumunot ang noo ko. Habang kumakain si Tana ng agahan ay hindi mawala sa isip ko ang unang subject namin.
History, huh?
I'm not really a fond of that topic. Lalo na't tinuturo lang naman nila ang mga nakasulat sa libro na walang katunayan na nangyari talaga.
Nanatili kaming kumakain ni Tana nang tumunog ang malaking kampana sa pinakatuktok ng kastilyo.
Nagsitaranta ang mga witches na nasa Dining Hall. Mabilis silang tumigil sa pagkain at pinagkukuha ang mga gamit nila bago kumaripas ng takbo papalabas.
"C-Crap, simula na ata ng klase." Nahinto sa pagsubo si Tana na hindi maipinta ang mukha.
Nagkatinginan kami nito at mabilis naming naintindihan ang gustong ipahiwatig ng isa't isa. Mabilis din kaming tumigil sa pagkain at umalis sa Dining hall.
"X-Xena, s-saan 'yong classroom?" pag-iiba ng babaeng kasama ko.
Natauhan ako sa sinabi niya at natigilan ako sa pagtakbo. Hindi ko rin alam kung saan kami papunta.
Napasabunot na lamang sa sarili niya si Tana nang mapagtanto nitong hindi ko rin alam kung nasaan ang classroom.
Bakit kasi ang laki ng school na ito?-
"Inutil! Mga inutil!" Rinig naming sambit ng kung sino.
Parehong napunta ang tingin namin ni Tana sa katapat naming painting. Napaawang ang bibig namin nang makita itong nagsasalita at tinatawanan kami. He's wearing an armored chest suit with a blue cape and a periwig—he looks like a noble.
"Gusto niyong matuto ng mahika? Eh mga mukha kayong mga mangmang!" natatawang sambit ng lalaki sa painting sa amin.
Nagpatuloy itong asarin kami nang biglang nagtama ang tingin namin at natigilan ito sa pagtawa. Naiwang nakabukas ang bibig niya habang tulala.
"H-Ha?" pagtatakang sambit ng lalaki sa painting nang makita ako. "P-Paanong-"
"Nasaan ang silid para sa unang klase ng mga apprentice?" pagsingit ko.
Hindi na nagawang ituloy ng lalaki sa painting ang sasabihin niya nang magsalita ako. Mabilis itong natauhan at tinuro ang isang pasilyo.
"K-Kapag kumanan kayo ay makikita niyo ang pintuang kulay asul. Nando'n ang klase ni Madam Glinda. Ang guro sa kasaysayan," sagot sa amin ng lalaki.
"Wah! Thank you!" Pagsasalamat ni Tana at mabilis na tumakbo sa pasilyong tinuro sa amin ng lalaki sa painting.
Bago ako sumunod ay tinapunan ko muna ng tingin ang painting. Nagbago ang ekspresyon nito nang matalim ko itong tignan.
![](https://img.wattpad.com/cover/221393894-288-k756459.jpg)
BINABASA MO ANG
Mageía High: Grimoire of Astria
FantasíaA world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creature exists. And a single Grimoire can destroy it. Genre: Fantasy / Thriller Language: Tagalog / English Started: August 27, 2020 Finished: October 24, 2020...