19. Kanyes

32.2K 1.7K 122
                                    

KANYES

[Zairah]

Nanatili akong walang ekspresyon habang nakikinig sa mga sinasabi ng batang babaeng kaharap ni Raze, habang nakapila ako sa portal. No wonder why.

Wala akong ginastos maski isang piraso ng copper coin sa inn na tinuluyan namin. No'ng oras na malaman ng may-ari na isa akong witch at may mga kasama ako rito, to be exact, a guy with a gray hair, ay hindi na siya naningil.

Hindi ko man alam kung ano ang nakaraan ni Raze sa bayan na ito pero masasabi kong importante siya para sa mga mamamayan ng bayan.

Natauhan ako sa pag-iisip nang ako na ang susunod na gagamit ng portal. Tinawag ko na ang mga kasama ko at agad silang lumapit sa akin.

"anoígo tin pýli," bigkas ko.

Bumukas ang portal at sunod-sunod kaming pumasok dito. Mabilis na bumungad sa amin ang magulong bayan ng Kanyes. May kani-kaniyang buhay ang mga tao.

Mayroong mga nagsasapakan, nagmamalimos, at may naglalandian sa kalsada.

Mabilis kong isinuot ang hood ng cloak ko. Hangga't maari ay gusto kong umiwas sa gulo at ayokong pag-aksayahan ng oras ang mga tao rito.

"Hindi na tayo pwedeng gumamit ng portal mula rito. Kailangan na nating dumaan sa mga borders para hindi tayo mapansin ng mga tagabantay sa Frencide," pagpapaliwanag ko.

"Huling bayan na lang ang pupuntahan natin at makararating na tayo sa Frencide."

The best way to move forward without getting caught is going through the borders instead of the portals.

Kung kikilos kami nang mabilis ay apat na araw lang ang kakailanganin namin para makapunta sa susunod na bayan. Tapos dagdag tatlong araw papunta sa Frencide. May sobra pang araw sina Xena sa tatlong linggong sinabi niya sa akin.

"Tara na," muli kong sambit.

Nagsimula na kaming maglakad sa malaking bayan ng Kanyes. Kapwa ko ay nakatakip din ng hood ang ulo ni Lei. Nakayuko rin ako habang naglalakad para walang makakilala sa akin.

Mabigat ang paghinga ko at sunod-sunod ang pagtulo ng mga pawis ko. Hindi ko mapigilang kabahan lalo na't ito ang unang beses na nakapunta ako rito sa bayan na 'to.

Walang nobles o myembro ng council ang nag-aaksaya ng oras na pumunta rito. Alam kong pinapamukha lang nilang ayaw nila sa bayan na 'to na parang skwater. Pero ang totoo ay natatakot sila.

They're scared of these freaking people here in Kanyes. Because most of them are witches and know how to use spells. At hindi sila tulad ng mga estudyante o mga witches na galing sa Academy. Mga wala silang pinagkuhaan ng mga kaalaman at sarili lamang nila ang inaasahan nila sa pagtuto ng mga mahika.

That's why the council are scared of them. Because they are born with natural talent.

Kaya hindi rin nila maayos ang bayan na 'to kahit sobrang laki nito at marami silang mapakikinabangan. It's the main reason why Kanyes remained a lawless city.

Isa pa sa mga kinakabahala ng councils ay ang mga balita na rito rin daw nanggaling ang mga so called 12 Disciples of Astria. Bigla na lamang silang sumulpot nang matagpuan ng council ang Grimoire ni Astria.

I'm not pretty sure if they're the big deal or not. Pero isa sila sa mga lead ko para mahanap ang witch na hinahanap ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at sa hindi inaasahan ay may nakasalubong kaming isang grupo. Sinubukan ko silang hindi pansinin pero kusang tumingin ang mga mata ko sa lalaking nauuna sa kanila.

Nagtama ang mga mata namin habang patuloy kami sa paglalakad. I suddenly felt the chills down in my spine.

Parang bumagal ang oras habang magkatingin kami at tila bumalik na lamang ito nang mawala ang tingin namin sa isa't isa. Kahit iba ang pakiramdam ko sa mga tingin niya ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Halos kalahating oras ang nilakad namin ng mga kasama ko bago namin marating ang border ng Kanyes. Nakahinga ako nang maluwag nang nagawa naming makarating dito ng walang problema o gulo.

"So guys, dadaan tayo sa border at gubat-"

Natigilan ako sa pagsasalita nang lingunin ko ang mga kasama ko. Pare-pareho rin silang nabigla nang huminto ako.

"What?" marahang tanong ni Xena.

Inilibot ko ang tingin ko sa kanila at unti-unting kumunot ang noo ko. Sunod-sunod ko silang binilang.

"1." Turo ko kay Lei.

"2." Sunod ko kay Xena.

"3," sambit ko kay Raze.

"And 4." Turo ko sa sarili ko.

Kapwa ko ay naguguluhan na rin ang mga kasama ko.

"Ano bang binibilang mo ha? Kasi kung 'yong pasensya ko paubos na, tara na," inis na sambit ni Raze.

Nagtaka ako sa sinabi niya. "What the heck? Bakit ako ang sinasabihan mo niyan? Tanga ka ba? Kulang tayo!" giit ko.

Sabay-sabay na kumunot ang mga noo ng mga kasama ko. Pati rin si Xena ay nagtaka sa akin na hindi ko inaasahan.

"Anong sinasabi mo? Okay ka lang? Kumpleto tayo," sagot sa akin ni Lei.

"Baliw," kumento ni Raze, sumenyas pa ito na nasisiraan ako.

Naguguluhan ako sa sinabi nila. "Freaks! Lima tayo hindi ba?!"

Lumapit sa akin si Xena at mariin akong pinagmasdan.

"What are you talking about? Sino ba 'yong tinutukoy mong kasama natin?" marahang tanong nito sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko nagawang makasagot.

Alam kong kulang kami.

Alam kong may nawawala sa amin.

Pero sino nga ba?

"See? Nag-hahallucinate na 'yan," muling kumento ni Raze.

Napaismid ako sa sinabi niya at seryoso ko silang tinignan. Seriously?! Hindi talaga nila maalala?

Pero bakit ako ay naalala ko? Kahit hindi ko man lang matandaan ang mukha o pangalan nito ay alam kong kulang kami.

Sumagi na lang sa isip ko ang grupo na nadaanan namin kanina. That's when it hit me.

Hindi lang basta-basta ang naramdaman ko kanina nang magtama ang mga tingin namin ng lalaking 'yon. And I'm freaking sure of it.

Pero anong ginawa niya at hindi namin maalala ang taong kasama namin?!

Is it a freaking spell?

Then, kung isa nga 'yong spell ay hindi ito basta-basta. Ni hindi man lang namin napansin na ginamitan niya kami nito.

Napaismid na lamang ako sa sarili ko at itinapat ko ang kamay ko sa lupa.

"Anong ginagawa mo?" muling tanong sa akin ni Xena.

Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Kung spell ang ginamit sa amin, isang spell din dapat ang ipanlaban ko dito.

Tsk. I didn't expect that I'll use this spell for them.

"You better owe me for this!" inis na sambit ko kay Xena at Raze.

Isa ito sa mga spells na iniingatan ko. Ang spell na itinuro sa akin ni lolo.

A rank SS spell. A spell to counter any spell within it's range or ability.

"plíris metritís !"


Mageía High: Grimoire of AstriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon