BLUE MOON
[Xena]
Walang nakaimik sa sinabi ni Miss Glinda. Walang matibay na ebidensya kung totoong buhay nga si Astria. Pero kung sakaling totoo nga siya ay nasa isang daang taon na siya ayon sa paniniwala nila.
"Pero ma'am, nasaan na ang Grimoire niya ngayon?" pag-iiba ng isang estudyante.
Lahat ng tingin at atensyon namin ay napunta sa kaniya. Everyone's curiosity strikes in. Pare-pareho naming hinintay ang magiging sagot ng guro namin.
"I'm sorry, pero hindi ko rin alam ang sagot diyan," sagot ni Miss Glinda.
Bakas ang pagkadismaya sa mga mukha ng mga kaklase ko. Kahit nakaramdam din ako ng pagkadismaya ay inaasahan ko ng gano'n ang isasagot niya.
Muling nagsimulang magturo sa amin si Miss Glinda tungkol sa kasaysayan.
Hindi ko mapigilang mabagot dahil paulit-ulit lamang ang mga pinagsasabi niya. Where spell, potions, summoning, and etc. came from.
I already know all of those. Para saan pa ang pag-aaral ko sa loob ng ilang taon?
Tanging pagbuntong-hininga na lamang ang ginawa ko at ang pagpaikot ng ballpen. Hanggang sa nalipat ang pahina ng libro. Mabilis na nakuha ang atensyon ko sa sumunod na larawan na nakalagay sa pahina.
The blue moon.
"Next, ay ang blue moon," pangunguna ni Miss Glinda.
"A phenomenal occurrence that happens every 800 years."
Hawak-hawak ni Miss Glinda ang sarili niyang libro at pinapaliwanag sa amin ang ibig sabihin ng blue moon.
"Sinasabing, every blue moon daw ay magiging tagumpay at matibay ang bisa ng kahit anong spell."
"Any spells, whether it's for the salvation or destruction of the world."
Bumigat ang paghinga ko sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang kabahan at sunod-sunod ang pagtulo ng mga pawis ko. Wala sa sariling humigpit ang pagkakahawak ko sa libro.
Kahit anong klaseng spell ay posibleng magawa kapag naging asul ang buwan...
"Well, consider yourselves lucky. Ika-walong daang taon na ang lumipas nang mangyari ang blue moon sa susunod na apat na linggo. May chansa kayong makita ito," nakangiting sambit ng guro namin.
Kani-kaniyang reaksyon ang mga kaklase ko na labis ang tuwa sa narinig. Sa kabilang banda ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko.
Only 4 freaking weeks?!
Napalunok ako nang malalim at hindi ko mapigilang maging balisa.
Ang blue moon ang magsisilbing deadline ko. Kailangan kong mahanap ang Grimoire at sirain ito bago pa may makagamit ng mga spells nito sa masamang bagay.
Hindi ako pwedeng tumunganga lamang dito.
Nagpatuloy ang klase namin at hindi ko nagawang makinig sa mga pinagsasabi ng guro namin.
Before I know it, tapos na ang klase na tumagal lang ng tatlong oras. Tanging 'yon lamang ang naging subject namin buong araw.
"Huy Xena! Kanina ka pa nakatunganga riyan. Naririnig mo ba 'ko?" Rinig kong sambit ni Tana.
Natauhan ako nang tapikin ako nito sa balikat. Katatapos lang ng klase at naglalakad kami ngayon sa pasilyo.
"A-Ah, sorry. Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?"
Napabuntong-hininga si Tana sa sinabi ko bago ako sagutin. "Ang sabi ko, maghanap na tayo ng mga ingredients para sa experiment natin bukas!" giit niya.
BINABASA MO ANG
Mageía High: Grimoire of Astria
FantasiaA world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creature exists. And a single Grimoire can destroy it. Genre: Fantasy / Thriller Language: Tagalog / English Started: August 27, 2020 Finished: October 24, 2020...