CHAPTER FOUR

18 7 0
                                    


~Protecting Her~

Marxha's POV.

"M-maxinus?" Uminit agad ang sulok ng mata ko matapos kong makita kung sino ang nasa likod ng pinto...


'Asawa ko....'


Nakangiti naluluha naman si Maximus. "Asawa ko..." Natutuwang tawag naman niya sakin. Habang papalapit siya sakin ay hindi na ako nakapaghintay, agad na sumalubong ako sakaniya at niyakap ko siya agad ng mahigpit, bumawi din siya na agad naman ako niyakap pabalik.

"I....I thought I wouldn't see you...again..."  Nag-iiyak na sabi ko sakaniya. Walong taon ako nagsinungaling sa sarili naming anak na patay na ang daddy para lang maprotektahan lang siya sa may balak na kunin ang kaniyang bukay. Kumalas sa pagyayakap ang asawa ko at pinunasan ang maluhang pisngi ko habang nakangiting naluluha din. 'I miss you...'

"Wala naman akong sinabing hindi na ako ulit magpapakita sainyo, asawa ko.." Sabi niya habang hawak pa din ang mga pisngi ko  at ako naman nakatitig sa mga magandang brown na mata niya.

"Kasi...kala ko nakalimutan...mo na kami ni Maxine eh..8 years bago ka magpakita sakin...." Hindi pa din ako makapaniwalang nasa harap ko ngayon ang asawa ko, ang Maximus Lore na nagiisa, nasa harapan ko ngayon.

"Hindi ko naman kayo nakalimutan, sadyang marami lang talaga naghahanap sa anak natin, asawa ko kaya medyo nahirapan akong umalis sa bahay natin...kamusta na nga pala siya?" Niyaya ko muna siya umupo sa sofa malapit sa table ko habang magkatabi kami.

"Ayos naman siya, pinag-aral ko siya kung san mo siya gustong ipasok:freshman year siya." Napansin ko kahit nakangiti siya sakin ay malungkot padin ang kaniyang mga mata. "Okay ka lang ba sa naging desisyon ko na paaralin siya sa private school? Ayaw ko lang kasi na ikulong siya sa bahay eh. 11 na siya ngayon baka isipin niyang masyadong over na ang protective ko sakaniya."

"Oo naman." Nakangiting sabi niya na ganun pa din ang mga mata niya. "Hindi naman natin siya pwede ikulong sa bahay niyo eh, saka may nagbabantay naman sakaniya sa school na yun:Ang mga Lycan, may kakayahan silang protektahan ang nagiisang anghel natin asawa ko, at Dean naman ang Daddy ni Drake Lycan kaya 'wag ka ng masyadong mag-alala sakaniya." Dagdag niya.

"Hindi naman ako masyadong nag-aalala sakaniya eh, may alam naman siyang martial arts eh hehehe." Natutuwang sabi ko. "Parang ikaw nga siya eh." Nakangiting kwento ko.

Natahimik kami bago siya magsalita. "Nagtanong na ba siya about sa class niyang werewolf?" Maya-maya tanong niya. Oo, tama kayo. Siya kasi talaga ang nagenroll kay Maxine sa eskwelahan na yun dahil may nagtuturo about sa werewolf Dean nga ang Daddy ni Drake kaya dun niya pinasok si Maxine. Hindi pa namin sure dahil si Maximus ay isang Werewolf at ako naman ay isang ordinaryong tao lamang.

"Hindi pa siya nagtatanong about sa class niyang werewolf. Ayaw ko naman siyang tanungin kaya hinahayaan ko nalang. Baka magduda din siyang isa siyang werewolf. Hindi pa natin sigurado kung half-werewolf ba siya o isang tulad ko lang."

"Si Maxian at Maxrein ay half sila. Na develop nila ang ears at tail nila nung primary sila, tama?" Tumango ako. "Kaya balang araw madedevelop din ni Maxine ang kaniyang ears at tail."

"Yeah, I guess you're right." Sabi ko nalang. Natahimik din kami ng ilang segundo bago ako magsalita ulit."Alam mo nung unang tanungin niya ako kung nasaan ang daddy niya." Tumayo ako at naglakad papunta sa salamin. Nasa second floor kasi ang office ko kaya kita ang matataas na gusali dito. "'Patay na ang daddy mo Max, nung baby ka pala...wala na siya.' Yan ang sinabi ko sakaniya dati para hindi magduda na buhay ka pa...para din sa kaligtasan niya, kaya kailangan kong magsinungaling." Naluluha na naman ako na tumgin sa kaniya.

The Alpha-male And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon