CHAPTER 20

14 3 0
                                    


Meeting FC

Nang nakauwi na kami ni mom ay tahimik lang ako. Pagkapasok palang namin sa loob ay biglang nagpop out ang ears and tail ko sa hindi malamang dahilan.

*POF!*

"Oh Max," gulat na tawag sa'kin ni mom. "Okay ka lang?"

Humarap naman ako sa kanya. Ramdam kong nakababa ang tenga ko dahil sa lungkot. Ngumiti ako para ipakitang okay lang ako pero bigo ako dahil sa tenga kong nakababa.

"Max," yumakap siya sa'kin.

"Mamimiss ko lang naman sila kuya at dad, ngayon ko nga lang sila nakita pagkatapos ng walong taon. Tapos 1 week lang sila dito." lungkot na sabi ko talaga.

"Uuwi din naman baga ang daddy at kuya mo sa pasko kaya abangan natin okay?"

Tumago naman ako. "Sige na po ma," kumalas na ako sa pagkakayakap niya. "Pahinga na po ako, tsaka po may assignment pa po ako, gagawin ko na po." tumalikod na ako kay mom at umakyat na.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay dumeretso ako sa closet ko para magkuha ng pantulog at pumasok sa banyo.

Nang natapos na ako ay pumunta na ako sa study table ko at naggawa ng homework.

Habang gumagawa ako ay inaalala ko yung nangyayari sa'kin dati.

Dati ay palaging may sumusunod sa'kin kapag bibili ako ng books o pocketbook. Ngayon naman ay wala ng sumusunod. Hind na ako mag-iisip na may sumusunod sa'kin, kampante na akong mah sumusunod talaga sa'kin. Lalo na at sinabi na nila dad ang sitwasyon ko kung bakit kinakailangan kong lumayo sa kanila para sa ikaliligtas ko. Kaya pala inienroll ako ni mom sa isang martial arts at sa boxing train. Ayaw ko lang ipakita kung sino talaga ako kaya sa labas, inosente ako. Kapag sa loob naman 'don ako nagiging teenager.

Napabuntong-hininga nalang ako at tumingin sa ilalim ng kama. Naalala kong may nakatago sa ilalim ng kama ko kaya naman tumayo ako at lumapit 'don. Yumuko ako at kinuha ang isang box na mahaba. Binuksan ko ito at tiningnan ang...

'Katana...'

Regalo ito ni mom sa'kin nunh 10th birthday ko last year. May silbi naman pala ang pag-fefencing class ko sa paris. Pumunta kasi kami sa paris para lang mag fencing class. Galing ni mom ano? Pumunta lang kaming paris para lang mag-fencing class?

Napangiti nalang ako.

'Huwag kang mag-alala mom, kung naprotektahan mo ako dati, ngayon naman ako ang poprotekta sayo.'

K ❤ I ❤ N ❤ A ❤ B ❤ U ❤ K ❤A ❤ S ❤ A ❤ N

d-o-b

d^__^b

"Good morning self!!!" pagbati ko sa sarili, tumingin na muna ako sa wall clock. 5:00 am palang,bumangon naman na ako, diretsong banyo agad.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba na agad.

Sa hagdanan palang ay naaamoy ko na ang masarap na ulam ni mama hahahaha! Pumasok nalang ako sa kusina.

"Good morning mom!!!" masayang bati ko kay mom sabay upo sa high-chair.

Humarap naman siya sa'kin. "Morning anak." nakangiting bati rin niya at tunalikod na sa'kin para tapusin ang niluluto niya.

"Ano po ma ang ulam?"

"Chicken nuggets and chicken hotdog."

"Sarap yan!" hindi talaga mawawala ang masigla ko kaya naman.

The Alpha-male And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon