CHAPTER 14

6 3 0
                                    

The Truth and Forginess

MAXINE'S POV.

Nasa kwarto ako ngayon dahil masama ang akung pakiramdam.  Nagpasalamat naman ako kay kumag dahil nahiya naman ako kung hindi ako magpapasalamat, hinatid na nga't lahat susungitan ko ba diba? 

Dalawang oras na ang nakakalipas nung naihatid ako ni kumag. Buti nga kanina may pumuntang sekyu dun sa gymnasuim at naagapan akong idinala sa clinic. Napabuntong-hininga nalang ako dahil wala akong magawa kundi humiga lang at magpahinga para bukas ay makapasok agad ako.  Hindi kasi ako nakapagpalit ng damit. Natuyuan na ako kahapon tapos nilagnat na ako kasama pa yung intsik. Pero hindi niya ako iniwan, nandun lang siya, hindi siya umalis, may caring naman palang nakatago yun e. Kala ko masungit lang siya e.

Sa ngayon ay nagbabasa lang ako kahit medyo nahihilo pa ako, total hindi naman ako pwede magcellphone at kinuha ni mom kaya babasa nalang ako.

Nakaupo ako ngayon at nakasandal ang likod ko sa headbar. Gusto niyo malaman kung anong libro ang binabasa ko: Trapped. (Um...singit ulit ako ha. Libro talaga ito ng Trapped by KnightInBlack kay Kuya Kib....wala skl hehehe) Maganda kasing ulit-ulitin eh, baka nga pangalawang beses ko na ito binabasa e. Ganda kasi ng story niya. Nakakainspire para sa'kin. Marami pa akong libro dito. Sa isang wall side sa may pinto, puno ito ng mga libro. May story, history, novel at iba pa.

Nalibang na ako sa kababasa ay nakakaramdam na ako ng gutom dahil tanghali na pala!! 11 na hindi ko man lang namalayan! May god naman Max! Nagbaba na ako ng kama ko at inayos ang pajama kong suot at lumabas na ng kwarto. Pagkababa ko ay pansin ko na wala si mom sa sala kaya dumeretso ako sa kusina kaya pumunta ako dun. Pagpunta ko dun ay nagluluto si mom. Hindi ata naramdam ang presensya ko kaya umuou nalang ako sa high-chair malapit sa kaniya.

Nung humarap siya ay nagulat siya, natawa naman ako sa reaction niya.

"Maxine naman!" Tawa lang ako ng tawa. Umiling nalang siya at nahawa na sa'kin. "Nagugutom ka na ba anak?" Nakangiting tanong niya at lumapit na sa'kin para ilagay sa counter ang ulam na niluto niya.

"Opo mom e..." hinimas-himas ko pa ang tiyan ko dahik takam na takam na ako sa ulam na inihandan niya. "Ma, ano tawag po dito? Sinigang po ito ma, hindi po ba? " Sabay kuha ng kutsara at tikman ang niluto ni mom.

"Yep, Sinigang na baboy."

Kumain na din kami ni mom. Napansin ko ang pananahimik ni mom. Kung ako rin naman ang magsasabi ay madaldal si mom. Pero ngayon ay parang nakakapanibago. Napakatahimik niya. Pasimpleng sumulyap ako kay mom at nahuli ko siyang nakatingin din sa'kin.

"May problema po ba ma?" inosenteng tanong ko.

"Wala, may iniisip lang na bagay... " napansin ko ang pag-alinlangang sagot niya.

"Ano po ang iniisip mo?" bago ko pabmapigilan ang pagtanong ay natanong ko na siya.

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin kahit sinusubukan kong hulihin pero nabigo ako. Napatungo nalang ako at kumain na lamang. Baka about sa Café namin.

"It's...about your dad..." Mayamaya niyang sabi. Or not...

Gulat na napatingin nan ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit tila nawala ang pakiramdam kong sakit at napunta sa lungkot ang mga katawan ko.

  'Namimiss ata ni mom si dad...hindi niya kinukwento kung anong nangyari, at hindi rin niyang kayang banggitin ang pangalan ni dad...

Tahimik lang akong nakatitig sa kanya. Inaasahan na may isusunod pa siya at hindi naman ako nabigo.

The Alpha-male And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon