CHAPTER TEN:PART 3 FINALE

13 3 0
                                    

Birthday Party:Full Of Suprises

MAXINE'S POV.

KASALUKUYAN na kami papunta sa bahay ng mga Harriss. Ako na ang nagdala ng sasakyang inibigay ko kay Carlos. Nakasunod lang ako kay mommy dahil hindi ko alam kung saan talaga ang bahay nila. Halatang malapit na kami dahil ilang bahay lang naman ang agwat sa bahay namin ay tinawagan ko na si Tita Amy.

"Maxy!" bungad agad ni tita.

"Malapit na kami Tita dyan." sabi ko.

"Oh sige, sige. Ilalabas ko na yung sasakayn namin at saka wala pa naman sina Carlos at Basty, baka nasa school pa din sila at may practice pa si Carlos e."

"Sige po, at mabuti naman po kung ganon. Sige na po Tita, nagdadrive pa po ako eh." pagkasabi kong 'nagdadrive' ako ay natahimik bigla si tita sa kabilang linya. Hindi na ako magtataka kung maraming tanong i tita mamaya pagdating namin sa bahay nila dahil kataka-taka naman talaga dahil....11 years old lang ako!!! hahahaha!!!

"S-sige, mag-iingat ka M-maxy ha.." nalilitong sabi ni Tita.

"Opo Tita." yun lang at binaba ko na
at binaling ng tingin ang kalsada. Nang malapit na kami ay kita ko ang kalalabas lang ng sasakyan nina Tita at dumeretso agad ako sa loob ng garahe nila para ipark na din ang sasakyan. Pinatay ko na ang makina saka bumaba na. Bago ko tuluyang isara ay tumingin ulit ako sa loob.

'Linis, walang naiwang gamit bukod sa cellphons ko at susi...okay na! all set!!'

Sinara ko na ang pinto na inilock ko na ito saka palang ako lumapit kina mommy at Tita Amy. Nakatingin lang si Tita sa sasakyang ireregalo ko sa anak niya.

"Grabe..." natakpan pa ni Tita ang kanyang bibig dahil sa pagkamangha niya. Tumingin siya sa'kin na parang hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang dream car ng anak niya. "Ito ang dream car ni Carlos... grabe...Max...salamat dahil maibibigay mo ito sa kanya. Grabe...mahal itong masyado ah, kulang sa million ito." hindi pa din makapaniwalang sabi ni Tita.

"Don't worry Tita wala lang 'to. At least masaya ang birthday niya dahil sa gift ko." ngiting sabi ko.

"Ganda mo pati masyado ngayong gabi ah, parang ikaw pa ang may birthday. Tapos grand entrance niyo pang mag-ina....Speechless, I'm so speechless!! sa kawala na sasabihin ni tita ay natawa nalang kami ni mom.

"Tita, matagal ko nang-alam na maganda ako hehehe, since baby palang ako 'ta, alam kong maganda na ako, mana kay mommy e." sabi ko habang nakatingin kay mom.

"Oo na iha at...ikaw nga talaga g nagdrive!! sa liit mong yan ay nakakadrive ka na isang malasport car! Grabe 11 years-old ka palang!!" aniyang nagugulat dahil totoo nga talaga ang sinasabi ko kanina.

"Ehehe, last year po akong nagpaturo kay mom at gusto ko po kaya maalam ko na pong magdrive at the very young age po." napakamot ako sa ulo kong sagot.

"O siya sige sasara ko na 'tong garahe baka makita pa ni Carlos! tatawang paalala niya.

Sinara na ni tita ang garahe at pinasok na kami sa bahay nila...ay este...MANSION! Malawak ang loob na hindi ko na kayang iexplain dahil sa iwas na gamit kaya sobrang laki ng space. Dito palang sa maindoor nila ay kita na dito ang kusina nilang malaki din. Pinapunta kami ni Mom sa sala nila at hindi na talaga matitigil ang pagkamangha ko dahil meron silang flat screen na TV na pwedeng pangsine na, meron din sa tig-kabilaang nalalakihang speaker. Nandun din ang stair nila paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. At oo nga pala ngayon lang ako nakapunta dito, pero sinabi naman nina Carlos kung 'san pero hindi pa ako dito nakakarating...ngayon lang.

The Alpha-male And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon