Chapter 1

26 2 1
                                    

Pagkarating ko sa bahay ay bumungad sa akin ang isang 'di inaasahan g bisita.

"Hija, nandito ka na pala. Halika dito at may bisita ka." Sabi sa akin ni mama.

Nakaupo sa navy blue naming sofa ang isang lalaking nakawhite polo shirt at may dalang bouquet ng rosas.

"Julian! Ba't ka naparito?" Tanong ko sa kanya.

"Pupunta muna akong kusina at mag-aasikaso pa ako. Maiwan ko muna kayong dalawa dito." Sabi sa amin ni mama at agad tumalikod para pumunta sa kusina.

Kami nalang dalawa ang naiwan sa sala ngayon. Nakakahiya sa kanya. Masyadong maayos ang ayos niya ngayon habang ako ay naka loose na red tee shirt at jersey shorts. Wala pang suklay ang buhok ko kaya magulo.

"Gusto kong kumustahin ka. Ito nga pala, para sa'yo."

Tumayo si Julian sa kinauupuan niya at inabot sa akin ang dala-dala niyang flowers.

"Salamat."

Tinangap ko ang bulaklak na binigay niya habang hilaw na ngumisi sa kanya. Matagal na niyang ginagawa ang pagbisita sa bahay simula ng umamin siya sa akin na may gusto siya sa akin. Binasted ko na siya dati pero ayaw magpatinag. Hindi ko siya gusto kaya ayoko siyang paasahin pero baliw ba naman at pati pamilya ko ay niligawan niya? Masyadong approve ang mama ko sa kanya kaya naging welcome siya sa pamilya. Naging welcome man siya sa pamilya ko pero hindi siya naging welcome sa puso ko.

"Hindi ka na sana nag-abala pa. Nakakahiya naman sa'yo." Dagdag ko.

"Okay lang Macey! Wala namang kaso sa akin 'to." Aniya.

"Julian!" Saway ko. "Kailan ka pa ba titigil?"

Namuo ang kalungkutan sa mukha ni Julian dahil sa sinabi ko.

"Please Julian. Maawa ka naman sa sarili mo. Sorry talaga pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. You deserve better Julian! May marami pang iba diyan na deserving sa pagmamahal mo."

"Macey! Please, hayaan mo akong ipakita sa'yo kung gaano kita kamahal. Wala akong ibang gusto kundi ikaw."

"Ayokong umasa ka sa wala. Please Julian! Tama na ang kahibangan mo. Hindi kita gusto. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?"

"Pero Macey!"

"Tama na! Umalis ka na Julian. Hindi ko kayang tangapin ang pag-ibig mo."

Ibinalik ko sa kanya ang binigay niyang boquet. Alam kong mabigat ang kaloob ni Julian ngayon. Nakita kong pumatak ang luha mula sa kanyang mata habang itinataboy ko siya. I don't want to be rude pero wala na akong maisip na paraan para lubayan na niya ako.

If you could see me nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon