Chapter 5

10 2 2
                                    

Nagpaalam ako kay lola na hindi muna ako magbabantay sa tindahan. Malapit na kasi ang pasukan kaya mag-aadvance study na ako sa mga subjects for 2nd year 1st sem. Mabuti na lang  at pinayagan ako ni lola.

Araw-araw akong nagkukulong sa kwarto ko para makapagconcentrate sa pag-aaral. Sa mga panahong ganito, hindi ako nagpapapasok nang kung sinu-sino at ayoko ring tumanggap ng bisita. Pero kahit ganun, patuloy pa rin akong nakakatanggap ng bulaklak mula kay Julian. Mag-aanim na buwan na akong pinapadalhan ng flowers. Palibhasa kasi, anak siya ng isang may-ari ng supplier ng bulaklak kaya hindi nauubusan ng bulaklak.

Kahit na busy ako sa pag-aaral ay mas may time na akong pansinin ang cellphone ko dahil lage ko itong kasama sa kwarto.

As usual, lage akong nakakatanggap ng text mula kay Julian. Hindi ko siya nirereplyan kasi lage namang walang load ang cellphone ko.

Sa lahat ng pangalan na nasa inbox ko, isa lang ang gusto kung makita pero this past few days, 'di na siya nagpaparamdam. Akala ko ba guard ko siya? Wala naman atang pakialam sa akin ang isang yon.

Dumating na ang pasokan pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Max. Gusto ko siyang tawagan o i text man lang pero nakakatamad magpaload. Nasasanay akong personal lage kami kung mag-usap. Madalang lang din siyang magtext kaya baka masayang lang ang load ko 'pag nagkataon. Hindi na siya nagpapakita sa bahay. Sabi sa akin ni lola, hindi rin siya pumupunta sa tindahan. Pati mga kasama niya sa team sabi na hindi na sumasali si Max sa mga laro nila. Wala na akong naging balita kay Max mula nang huli siyang pumunta sa bahay.

"Hi Macey! Long time no see? Mas lalo kang pumuti ah! Ano bang pinaggagagawa mo last summer?" Bungad sa akin ni Cassy.

Ikinwento ko lang kay Cassy ang pagtulong ko kay lola sa pagbabantay ng tindahan. Tinanong ko rin siya kung anong pinagkaabalahan niya noong summer vacation. Halos lahat kami sa buong klase ay nagkwekwentohan lang tungkol sa summer break experience nila. May iba sa mga kaklase ko ang hindi na enjoy ang summer vacation dahil nagsummer class sila dahil may nabagsak sa kanila. Pero kahit ganon daw ay hindi naman sila naiingit dahil kahit papaano ay enjoy rin naman daw ang summer class in some ways.

Malapit nang magsimula ang klase namin sa Differential Calculus pero hanggang ngayon, hindi pa rin dumadating si Max. Nagsimula na akong mag-alala para sa kanya.

Isang section lang kami at kompleto pa rin kami simula day 1 kaya hindi nahirapan ang instructor namin sa pagtawag. Nagsimula nang mag roll call pero hindi pa dumadating si Max.

Nagsimula na akong kabahan dahil malapit nang tawagin ang pangalan ko pero hindi pa rin siya dumarating.

"Lofranco, Macey Angela!" Tawag ni Mam Jessica sa pangalan ko sa roll call.

"Present Ma'am!"

Nawalan na ako nang pag-asang makakarating siya on time, or worse absent talaga siya.

"Martinez, Maxwell!"

If you could see me nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon