Chapter 7

8 1 1
                                    

Nandito kami ngayon sa isang resort ngayon para sa swimming lessons ng PE class namin. Suot ko ngayon ang swimwear na binili namin ni Cassy noong isang araw. Sa lahat ng kaklase ko, ako lang ang pinakasimple ang suot. Masyadong daring ang mga suot nila ngayon. Paniguradong, tulo laway ang mga boys ngayon.

"Ayeeh! Babae na si Macey, oh!" sigaw ng isang kaklase ko.

Isa-isang sumipol ang mga lalaki kong classmate nang makita ang purma ko ngayon. Kung may choice lang ako, hindi ko talaga susuotin ko.

"Bagay sa'yo Macey. Maganda naman pala 'yang katawan mo. Babaeng-babae ka tingnan." sabi ng isang kaklase kong babae. 

Na-flatter naman ako sa sinabi nilang compliment. Pero ewan ko lang talaga kung totoo yung sinasabi nila.

Umupo na ang lahat sa pool side at nagsimula nang mag-orient ang instructor namin. Katabi ko sa right side si Cassy at sa left side naman si Julian. Nasa kabilang side naman si Max kasi si Dona. Hindi ko nakayanang tingnan sila kaya nilalaro ko na lang ang tubig sa pool. 

Nagsimula na ang swimming lesson. Tinuruan kami ng iba't-ibang swimming strokes. Ang iba kong classmates ko ay may background na sa swimming kaya hindi sila nahihirapan sa lesson namin ngayon. May iba namang may trauma na sa pool kaya hindi makaperform ng maayos. Inexcuse nalang sila ng instructor namin. 

Pagkatapos ituro ang mga strokes ay binigyan kami ng time para magpractice. Pinerform ko ang mga stokes na tinuro ng instructor. Hindi man ako kasing galing ng iba kong kaklase, hindi rin naman ako nangungulilat. Naperform ko naman ng maayos ang stokes. Lumingon ako sa banda kung saan nagpapractice si Cassy. Kita kong struggling siya sa pagsiswimming pero pinipilit niya pa ring matuto. Tinulungan siya ni Julian sa pagpapratice. Actually, ako sana ang tutulungan ni Julian sa lesson namin ngayon pero tinulak ko siya kay Cassy. Mas kailangan kasi ni Cassy ng tulong niya kaysa sa akin.

Natapos na ang oras na binigay sa amin para magpractice at nagsimula na rin ang evaluation. Nagkaroon ng 12 batches para orientation. Tig-lilimang estudyante bawat batch. 1st, 4th, 7th, at 10th batch ay pinaperform ng backstroke,  2nd, 5th, 8th, at 11th batch naman ay butterfly, and 3rd, 6th, 9th, at 12th batch ay breast stoke.

Napasama ako sa 9th batch kaya breast stroke ang ipeperform ko sa evaluation. Parang swimming contest ang style ng evaluation namin. Mas malaki ang points ng kung sino ang unang makakaapot sa kabilang side ng pool.

Natapos nang magperform hanggang sa 8th batch. Kami na ang susunod na magpeperform. Kasabay ko si Max dahil alphabetical order ang groupings.

Suminyas na ang instructor namin gamit ang whistle. Mabilis kaming sumulong sa tubig at nagsimulang lumangoy papunta sa kabilang side ng pool.

Hindi ka ako nangalahati sa paglangoy nang bigla akong nagka leg cramps. Nataranta ako at nagpapanic kaya nawalan na ako nang balanse. Nasa gitna na ako nang pool nang inatake ako nang pagkalunod. Pinilit kong iangat ang sarili ko pero nahirapan talaga. Struggling na ako. Hindi nagtagal ay nawalan na ako nang malay.

*****
CASSY's POV
*****

If you could see me nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon