Chapter 3

19 2 1
                                    

Pumunta si Max sa bahay para sunduin ako dahil sabay kaming pupuntang university para makapag-enrol. May sasakyan si Max pero dahil wala pa siyang license. Hindi siya pinayagan ng daddy niyang mag-drive kaya may kasama kaming driver.

Pagkarating namin ng University ay bumungad sa amin ang maraming mahahabang pila. Hindi kasi online ang enrolment sa University namin kaya tiis tiis kami sa pagpila.

Pumila kami sa school registrar para kunin ang report cards namin.

"Ang laki naman ng grades mo Mace! I-donate mo naman sa akin ang iba." Natatawang sabi ni Max sa akin.

"Malaki rin naman 'yang grades mo ah? Nakapasa ka rin naman."

"Kahit na! Masyadong malaki yang sa'yo. Napunta yata sa'yo ang lahat ng talino. Hindi man lang kami naambunan."

"Ang OA mo Max! Exaggerated masyado."

Ang totoo niyan, alam ko na ang outcome ng grades ko. Dean's lister kasi ako sa 1st year ko dito sa university. 1.25 kasi ang GPA ko. 1.0 ang highest at 5.0 ang lowest sa grading system ng school. Kaya nga ayaw kong ipakita sa kanya ang card ko dahil alam ko na ganito ang magiging reaksyon ng isang 'to.

Pipila na kaming dalawa ni Max sa cashier ng makita namin si Julian na nakatingin sa aming dalawa. Humakbang si Julian papunta sa amin at hinarap si Max.

"Di nyo naman sinabing ngayon kayo magpapaenrol. Sana sinabay ko na kayo, tapos na sana kayo ngayon." Nakangising sabi ni Julian.

"Salamat nalang Julian pero kaya na namin 'to." matalim ang pagkakasabi ni Max. Halatang naiinis siya.

"Chill pre! Ba't ba masyado kang hot 'pag kausap ako. Nagmamagandang loob lang naman ako." Sabi ni Julian kay Max. Lumingon sa akin si Julian sabay sabi, "di ba, Macey?" At kinindatan niya ako.

Medyo nandidiri ako sa kindat niya pero hinayaan ko lang siya. Di ko siya pinansin.

Nakita kong namuo ang kamao ni Max at nagpipigil na suntukin si Julian. Hinawakan ko naman ang kamay at balikat ni Max para pakalmahin siya. Tiningnan agad ni Max ang kamao niyang hinawakan ko nang may pagtataka at pagkatapos ay lumingon siya kay Julian at ngumiti ng pilyo.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Julian nang makita ang ginawa ko. Nakita kong namuo ang luha sa mga mata ni Julian pero pilit niya itong pinipigilan.

"Macey, kayo ba ni Max?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Nagulat naman ako sa tanong niya. Bakit niya naman kaya natanong yon sa'kin?

"Kaya ba lagi mo akong binabasted dahil siya ang gusto mo at hindi ako?" Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

Pinagtitinginan na kami ng iba pang nagpapaenrol dahil sa eksena namin. Hindi ko alam kong anong dapat kung i-react kaya tinaasan ko siya ng kilay.

If you could see me nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon