Chapter 8

5 1 1
                                    

*****
CASSY's POV
*****

Pagkatapos kung magsimba ay pumunta ako sa market para bumili nang apple, orange, at sliced na water melon. Dalhin ko mamaya pagbisita ko kay Macey sa hospital.

Pumipili ako ng mga maganda at fresh na prutas para Macey nang makita ko 'di kalayuan ang latest Ex ko kasama ang bago niyang girlfriend. Yucks! Nakakaasiwa silang tingnan. Nagpi-PDA pa talaga dito sa market. Mga walang kalikadesa. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao, hindi pa rin tumigil.

Hindi naman sa bitter ako huh, pero hindi ko gusto ang scene nila dito. Wala naman akong choice, gusto nilang magPDA dito, e di gora! Who cares? Hindi naman ako affected eh. Matagal na akong naka-move on sa kanya, 'no! It's been 5 months since nagbreak kami. He cheated on me! Pero mas okay na 'yon! Matagal akong naghahanap ng rason para maghiwalay kami pero siya na mismo ang nagbigay nito. Hindi sapat ang love ko para sa kanya kaya tinapos ko ang 11 months na relasyon namin.

May iba kasi akong nagustuhan habang nasa isang relasyon pa ako. Ang masakit pa nito, bestfriend ko pa ang gusto niya. Nang nalaman kong may gusto si Julian kay Macey ay tumabang ang pakikitungo ko sa bestfriend ko. Ano ba ang nakita ni Julian kay Macey? Kung manamit ay parang lalaki. Puro loose ang lahat ng damit. Mas lalaki pa nga siyang umasta kaysa sa ibang lalaki pero hindi siya tomboy. Sadyang boyish lang si Macey pero sa kabila ng pagiging ganun ni Macey ay nagustuhan siya ni Julian.

Narealize ko na naging unfair ako kay Macey kaya unti-unti kong binalik ang trato ko sa kanya. Alam kong walang gusto si Macey kay Julian. Halata ko na dati pa kung sinong gusto niya pero hanggang ngayon, nasa in denial stage pa siya. Hanggang ngayon, hindi pa niya narerealize kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman.

Persistent si Julian sa panliligaw ni Macey. Ayaw ni Macey'ng saktan si Julian kaya hinayaan niyang ligawan siya ni Julian. Pero dumating ang point na binasted siya ni Macey. Ilang linggo ring naghanap ng lakas ng loob si Macey para sabihin 'yon pero sad to say, hindi natinag si Julian. Nagpatuloy lang siya sa panliligaw ni Macey.

Alam ni Macey na ayoko kay Julian para sa kanya. Mutual naman kami ni Macey dun dahil ayaw niya rin kay Julian pero dahil magkaibigan sila ni Julian ay ayaw niyang magkaroon ng awkwardness sa pagitan nila kaya nahihirapan siyang itakwil si Julian lalo na't naging malapit si Julian sa pamilya niya at boto ang pamilya niya para sa kanya.

Napansin ko rin na simula nang umamin si Julian kay Macey ay laging mainit ang ulo ni Max kay Julian. Laging binabara ni Max si Julian sa lahat ng bagay. Umabot nga sila sa point na nagkasuntokan sila. Umiral ang pagiging protective ni Max para kay Macey. Sabi ni Max, bilang bestfriend ni Macey ay may responsibilidad siyang protektahan s Macey sa lahat ng bagay. Ayaw ni Max kay Julian kaya pilit niyang ipinapalayo si Julian kay Macey. Natutuwa talaga ako sa inaasta ni Max pero sadyang matigas ang ulo ni Julian.

Ayaw ni Max na may umaaway kay Macey at hindi niya nagugustuhan na may umaaligid kay Macey na lalaki. Lage kong napapansin na tuwing may lumalapit kay Macey para magpaturo ng math ay agad lumalapit si Max at sumasali sa usapan at inaagaw niya ang papel ng nagpapaturo kay Macey at si Max na mismo ang magtuturo.

Kaya nga mystery sa akin ngayon kung anong nangyari kay Max. Maging si Macey ay walang idea kung bakit nangyayari sa kanila. Sa pagkakakilala ko kay Max, hinding-hindi niya matitiis si Macey. Halos bumubuntot siya lage kay Macey pero ngayon 'di na niya pinapansin, We'll, except nung nasa mall at pagsagip niya nito. Aside from that, wala na silang kibuan. Napansin ito nang mga kaklase namin pero hindi na rin nila ito pinagtuonan ng pansin. Lage naman kasing nag-aaway ang dalawa sa kabila ng pagiging bestfriend nila. Nasanay na siguro ang mga classmates sa bangayan nila. Pero sa lahat ng away nila ngayon, ito ang pinaka-kakaiba.

If you could see me nowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon