Prologue

9 1 0
                                    

A/N:
Pasensya na po sa mga mali- maling pagta-type ko...
Sana po magustuhan nyo tong story ko na to... This is my first story kaya pasensya na po kung maraming mali...enjoy reading...

Walang respect

Pagod na pagod na ako kakatakbo. Hindi ko na alam kung saan ako magtatago para hindi nya ako makita. Ayoko. Ayoko. Ayoko kong magpahuli sa kanya. Maraming butil ng pawis ang tumutulo mula sa aking noo hanggang sa leeg. Di ko namalang napadpad na pala ako sa loob ng aming kusina. Gustuhin ko mang magtago rito ngunit maraming bagay ang maaaring masira kaya dali-dali akong lumabas doon at nagtungo sa itaas. Ngunit kakatungtung ko palang sa unang baitang ng hagdan ay napatigil na ako ng may sumigaw.

"Ate!" Halos lumuwa ang dalawa kong mata ng makitang ang bunso kong kapatid ay galit na galit na nakatingin sa akin mula sa itaas ng hagdan habang nanlilisik ang mga mata. Takot na takot ako. Oo! Takot na takot mahuli ng bunso kong kapatid.

"Ate!pahingi!

Sinasabi ko na nga ba!.. napamura nalang ako sa isipan ko. Nakakainis. Ayoko ko talaga syang bigyan nitong dala kong chocolates dahil alam kong hindi nya na naman ako titigilan hangga't di nya nakikitang ubos na.

"Ano ba!" Aba ang wlang hiya! Halos talunin ang hagdan makakain lang ng chocolate!

"Andamot damot mo naman! Penge lang!"

"Aba! Manghihingi ka na nga lang, mang aagaw ka pa!"

"Eh alam ko namang di mo ko bibigyan eh."

"Eh alam mo naman pala eh!"

"Mamaaaaaaaaa! Si ateeeeeee! Ayaw akong bigyan ng chokoleyyyyyts. Nagdadamot na naman!"

Aba't! Siraulong bata to ah!kung hindi ko lang to kapatid!

"Nanghihingi ka na nga lang, magsusumbong ka pa!"

"Eh andamot damot mo eh!"

"I'm home." Si papa yan. Siguradong kakampihan na naman nyan itong kapatid kong siraulo.

"Papa! Si ate oh! Ayaw akong bigyan ng chocoleyyyts. Eh bigay lang naman yan ng manliligaw nya."

"Eh manghihingi ka lang, halos ubusin mo pa lahat eh!"

"Paano ko uubusin kung di mo pa nga ako binibigyan!"

"Grey."

"Pa?"

"Bigyan mo na yang kapatid mo."

Huhuhu. Sinasabi ko na nga ba eh!ako na naman ang kawawa eh! Sya na naman kakampihan eh!

"Ate! Bigyan mo na raw ako sabi ni papa."

"Narinig ko!!di ako bingi! Saan ka ba pupunta at magpapasama ka?"

"Papa oh! Si ate! Ayaw parin akong bigyan!"

"Heto na nga oh! Pisti ka!"

Maluha luha ko namang binigay sa kapatid ko yung ibang chocolates. Tang'na! Tang'na talaga! Kung sya nga may pagkain, di rin namimigay eh! ..huhuhu...napakabias talaga!

"Ito lang ate?"

"Aba't! Kupal ka! Ikaw na nga binibigyan, ikaw pa maraming reklamo!"

"Eh mukha naman kasing labag sa loob mong mamigay eh."

"Alam mo naman palang labag! Nanghihingi ka pa!"

"Stop that! Grey, bigyan mo naman ang kapatid mo ng tama. At ikaw Charles, matuto ka namang makontento ng kung anong binibigay sayo"

Nothing's Gonna ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon