Hannah’s POV
I have to get out of this goddamn island! I have to go home!
Dahan-dahan akong lumabas sa kubong tinutuluyan namin ni Red… rather kung saan ako itinatago ni Red. Gabi na at tulog siya kaya sinamantala ko ang pagkakataon. I don’t want him near me. Gusto ko kasi siyang saktan sa tuwing naalala ko ang ginawa niyang padkidnap sa akin. We’ve been here for 5 days already and I’m starting to worry. Nag-aalala ako para sa mga parents ko. I’m sure they’re dead worry about me.
Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ko ang lamig ng hangin sa balat ko. Madilim ang paligid dahil gabi na. Halos wala akong makita dahil sa dilim pero unti-unting naka-adjust and paningin ko. Humigpit ang yakap ko sa sarli ko ng umihip muli ang malakas na hangin. Bakit kasi walang kuryente dito?
Ang tanging source ng electricity dito ay ang maliit na generator na nasa kubo.
Naglakad-lakad ako sa dalampasigan baka sakaling makakita ako ng bangka pwede kong sakyan para makaalis na sa lugar na yon. I don’t wanna stay with Red. Mapanganib siya!
“Ouch!” mayron akong naapakang matulis na bagay. Naupo ako sa basang buhangin at sinubukan kong tingnan paa ko. But I regret looking at it when I saw blood flowing out from my right foot.
Takot ako sa dugo!
“RED!!!!” I screamed at the top of my lungs.
Oh my god! Mauubusan na ako ng dugo! Mamatay na ako!
Sunod-sunod ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko. I was looking around hoping to see Red pero wala akong makita. It’s very dark and I’m quite far from the kubo. Narinig kaya niya ako? Diyos ko! Ayoko pang mamatay!
“RED! HELP ME! RED!” sigaw ako ng sigaw. Tiningnan ko ang kanang paa kong may sugat at patuloy lang ang pagtulo ng dugo ron. Maraming dugo na ang nawawala sa akin. Ang sakit ng sugat ko!
Pero ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa rin si Red.
Kasalanan mo ‘to Hannah! Kung nanatili ka na lang don sa kubo ay hindi ka mapapahamak.
Niyakap ko na lang ulit ang sarili ko dahil nilalamig na talaga ako. Ang sakit ng paa ko at hindi ako makatayo. Natatakot ako. Umiyak lang ako ng umiyak don hanggang sa may narinig ako.
“Hannah! Hannah!”
Boses iyon ni Red!
Parang nabuhayan ako ng marinig ko ang boses niya. Malayo iyon sa akin kaya naman sumigaw din ako. “Red! Red! I’m here! Help me!”
Nasilaw ako nang maitapat niya sa akin ang flashlight na dala niya.
“Hannah!” he went running to me and he paled when he saw the blood on my feet. “What happened?” he asked with worry in his voice as held my right foot gently.
I sniffed. “May natapakan ako! Red, I’m gonna die! Kanina pa yan dugo ng dugo! I’m scared!” I bury my face on my hands and cried.
“Hush now, Love! I’m here na. You won’t die. Pakakasalan pa kita.” He said soothingly and all the fear I felt before he came vanished.
He carried me bridal style and I put my arms around his neck before I put my head on his shoulder. I feel exhausted and cold. Kanina takot na takot pero okay na ako ngayon. Red is with me. I’m safe.
Pumasok ulit kami sa kubo at pinaupo niya ako sa papag na andoon. Agad siyang kumuha ng first aid kit. Nilinis niya ang sugat ko ng buong pasensya kahit ngawa ako ng ngawa dahil sa sakit. But he would only say “Bear with it love… it’ll be okay.”
He wrapped my right foot after niyang linisin ang sugat ko at lagyan ng kung anu-ano.
“Ayan. Okay na!” he said with a smile on his face and he kissed my foot. Namula ako dahil sa ginawa niya. “Mabuti na lang at hindi malalim ang cut.” Sabi pa nito.
I swallowed a lump in my throat. How can he be so devil yet so gentle. Yes, he’s a devil. Dahil hindi niya ako kikidnapin kung hindi.
I bit my lower lip. Gusto kong magpasalamat sa kanya for coming for me and for tending my pero ayoko rin dahil hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi niya ako kinidnap.
“Are you okay, Love?” he asked me as he caressed my cheek.
“Iuwi mo na ako.” I said in a low voice.
I feel scared when his face darkened. “No! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi! Wag mo ng iinsist ang gusto mo dahil hindi mangyayari yan!” sigaw niya sa akin at tumayo.
Nanlumo ako sa narinig ko. “Stop doing this to me, Red! Wag mo akong gawing preso, please! Set me free!” nagmamakaawa kong sigaw sa kanya.
“I’m sorry, Love, but I can’t do that!” malumanay na sabi nito nang humarap sa akin.
He went to me and hugged me tightly.
I gulped. “Red…” halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya sa akin.
“Wala akong pakialam kahit ako ang maging masama sa paningin mo, Hannah. I just wanted to protect you. Mahal na mahal kita.” Madamdaming sabi nito.
I got confused by what he said pero hindi na ako nagtanong. Iyak kasi ako ng iyak.
He wiped my tears. “Stop crying, Love.”
I sniffed and looked at him. “Kung mahal mo talaga ako… iuwi mo na ako, Red. Please!”
Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-ibig at awa niya sa akin.
“Mahal kita kaya ko ‘to ginagawa. Someday maiintindihan mo rin ako.” Sabi niya.
Mukhang hindi ko talaga siya makukumbinsing iuwi ako kaya napayuko na lang ako at tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.
“I’m sorry, Love!” he hugged me tight at umiyak ako ng umiyak sa bisig niya.
Hindi ko siya maintindihan. Sinasabi niyang mahal niya ako at pinoprotektahan niya ako pero sinsasaktan naman niya ako. Anong klaseng pagmamahal ang meron siya para sa akin? Baka naman obsession lang ang nararamdaman niya sa akin.
He was caressing my back and let me cry hanggang sa makatulog ako.
End of Chapter 3
Vote and Comment :D
Sana suportahan niyo rin ito gaya ng suporta nyo sa BTN.
BINABASA MO ANG
Claiming What's Mine
Narrativa generaleShe's mine! I have claimed her! Kaya kukunin ko siya dahil akin siya. Hindi na ako magpapakabait at magpaparaya dahil nagmumukha na akong tanga! Wala na akong pakialam kung sinuman ang masaktan ko kahit kaibigan ko pa basta maging akin lang siya. Al...