Chapter 5: Alone together

22.7K 455 6
                                    

                Ilang araw na ang lumipas. Pero hindi ako masyadong lumalabas ng mansion. Wala akong ginawa kundi ang magbasa ng pocket book at manood ng movies. Wala rin sa  mansion si Red. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaka-abalahan nito pero mabuti na rin iyon kasi nagririgodon ang puso ko kapag malapit siya sa akin.

                Magaling na rin ang sugat sa paa ko pero ayoko pa ring lumabas. Nag-iisip ako ng paraan para makatakas sa isla na ‘to. Hanggang ngayon parang hindi ako makapaniwala na binili talaga ni Red para sa akin ang isla na ito. He even named it after me.

                Tumayo ako at pumunta sa balcony para sumagap ng sariwang hangin. Ang ganda ng lugar na ito. No doubt about it. Parang gusto ko tuloy maglibot. Nakakasawa na rin naman ang magkulong sa loob.

                At yun nga ang ginawa ko. Lumabas ako at pumunta sa tabing dagat. Nakasuot ako ng short shorts at shirt at nakatali ang buhok ko at wala akong sapin sa paa. Maganda sa pakiramdam ang putting buhangin sa paa ko. Nakakarelax.

Naglakad-lakad ako nang makita kong may paparating na bangkang de motor. Tumigil iyon di kalayuan sa akin at lumapit ako. Baka ito na ang hinihintay kong pagkakataon na makatakas. Pero nadisappoint ako ng makita kong si Red ang sakay noon at kasama nito si Tay Karding.

Ngunit yong disappointment na naramdaman ko ay nawala kaagad ng makalapit na ako. Paano ba naman kasi? Red is topless tapos tan na tan ang skin niya.

He looks so delicious with his sweat running down along his hard and well-built body.

I turned my back and I slapped myself. Ano ba itong pinag-iisip ko?

“Hannah, anong ginagawa mo dito?”

Nanayo ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at napalunok ako.

Tukso layuan mo ako!

“Bakit? Masama bang maglakad-lakad?” mataray na tanong ko sa kanya pero ngumiti lang ito sa akin. Sa pananatili ko rito ay palagi akong masungit rito. Pero ngumingiti lang ito sa akin.

Ngiti na nakakapanghina ng tuhod ko. “Hindi. Maganda nga eh. Para maipasyal kita. Akala ko di ka na lalabas sa lungga mo eh.” Nakangiti pa ring sabi nito.

Inirapan ko siya. “Ayoko na lang.” sabi ko pero hinawakan nito ang braso ko.

“Hep! Ipapasyal kita whether you like it or not.” Sabi nito at hinila nito ang braso ko pabalik ng mansion. “Kumain muna tayo dahil gutom na talaga ako. Nakahuli kami ni Tay Karding ng marami kaya masarap ang magiging lunch natin.”

Pumasok ako ng master’s bedroom at si Red naman ay sa guest room. Hindi ako pumayag na magsama sa isang kwarto dahil baka mahalay ko siya este mahalay niya ako.

Ano ba yan??? Nakakainis na talaga! Kung anu-ano na lang pumapasok sa utak ko.

Nakarinig ako ng katok sa pinto. “Hannah, halika na. Tapos na akong maligo. Maglunch na tayo.” Boses iyon ni Red.

Gusto kong tumanggi pero nagugutom na rin ako. Lumabas ako at nadatnan ko siyang hinihintay ako. Sabay kaming bumaba para kumain. Dalawa lang ang katiwala dito sa Mansion ni Red. Si Tay Karding at ang asawa nitong si Nay Linda. Hindi ito nakatira sa mansion kundi sa bayan kaya naman kapag umuuwi ang mga ito ay natatakot ako na baka pasukin ako ni Red sa kwarto. Natatakot ako dahil alam kong bibigay ako rito.

Hindi ko naman maipagkakaila. I’m physically attracted to Red.

Noon, I only see him as the funny guy in the group. Palabiro at palakwento. Nagbago ang tingin ko rito nang may mamagitan sa aming dalawa.

I can still remember that night… nakainom ako but I’m not drunk. Tipsy but not drunk. I was very much awake when he made love to me. He was so passionate and tender. At kahit wala akong mapagkukumparahan rito na iba alam ko na kay Red ko lang mararamdaman ang ipinaramdam niya sa akin four years ago.

He’s a good lover.

Pagktapos naming maglunch ay ipinasyal ako nito. Parang gusto ko tuloy magsisi na nagkulong lang ako sa loob ng mansion ng ilang araw. Ang ganda kasi ng isla. It’s like a paradise!

“Wow! Ang ganda talaga dito! Sana pala matagal na akong namasyal para hindi ko ‘to na miss.” Nakangiting sabi ko at umupo ako sa ilalim ng isang puno para hindi ako tamaan ng sinag ng araw.

“Di bale… sasamahan kita. Alam mo bang may waterfall sa loob ng gubat. Meron ding cave doon. Marami kang makikita dito na maganda.” Sabi ni Red sa akin habang nakatingin sa akin.

Sinimangutan ko siya. Hindi dapat ako ngumingiti rito. Dapat akong magalit sa kanya dahil sa pagkidnap nito sa akin. Hindi dapat ako bumigay sa kabaitan ng pinapakita nito sa akin! I need to get out of this island fast. Masyado na akong matagal dito. I’m sure my parents were worried sick.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad pero bigla na lang nitong hinablot ang braso ko.

“Ano ba?” magkasalubong ang kilay na singhal ko rito.

“Did I do something wrong?” he asked with visible confusion in his eyes.

I looked away. “Tinatanong pa ba yan? Sa tingin mo tama ang ginawa mong pagkidnap sa’kin?” I spat at him and he was taken aback.

He let my arm go. “Mali man sa mata ng lahat wala akong pakialam. I couldn’t take it anymore so I resorted to this. I love you too much, Hannah. I thought kaya kong maikasal ka kay Jun pero hindi pala. Jun is in love with someone else. Hindi rin magtatagal ang relasyon sakali man na makasal kayo.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “At sino ka para sabihin na hindi kami magtatagal? Ikaw ba ang diyos? Hindi! Kaya wag kang magmarunong!” naiinis na tinalikuran ko ito.

Hinabol niya ako at hinawakan sa magkabilang braso. “Bigyan mo ako ng chance, Hannah. Give me a chance to show you how much I love you. Give me a chance to make you fall in love with me.” I can hear his desperation at naawa ako.

I shook my head mentally. Hindi dapat ako rito maawa! Sinira nito ang kasal ko at nilayo ako sa mga magulang ko!

I glared at him. “Kahit ano pang gawin mo, hindi kita magagawang mahalin.”madiin na sabi ko sa kanya at nakita ko kung paano bumalatay sa mukha nito ang sakit and I felt guilty.

Pero sandali lang iyon. His face darkened at humigpit ang pagkakahawak nito sa magkabilang braso ko.

“If that is so… then we’ll die alone together in this goddamned island!” he hissed before he left me there shocked.

End of Chapter 5

Vote and Comment :D

Claiming What's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon