Author's Note: Hey Guys... actually napost ko na 'to dati but I deleted it dahil nakaprivate siya because of the mature contents of the prologue. That's I why I reposted it minus the prologue kasi ayokong ma-private lahat ng chapters. If you want to read the prologue of this story then copy and paste this link to your browser http://www.wattpad.com/79396559-claiming-what%27s-mine-prologue?d=m
So here it is... Red and Hannah's Story. Hope you like it :)
~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 1: The Claimer
Hannah’s POV
Araw ng kasal ko. Hindi ako masaya. Mahal ko si Jun pero bilang kaibigan lang. And I know he only sees me as his little sister. Sa tagal naming engage ay hindi man lang niya ako hinalikan sa labi dahil parang incest daw. Pero ngayon ikakasal na kami dahil sa hiling ng Dad nito.
Gusto kong magback-out pero ayokong malagay sa kapahamakan ang Dad ni Jun. Gusto kong umiyak at magwala dahil napaka-unfair ng buhay! Yong taong gusto ko hindi ako gusto. Tapos ito ikakasal pa ako sa taong hindi ko mahal at may mahal na iba.
Kung bakit kasi umalis pa ang babaeng yon! Eh di sana sila ni Jun ngayon at cancel na ang engagement namin! At hindi nangyayari ito!
Ayokong makasal kay Jun! hindi ako magiging masaya sa kanya dahil hindi kami nagmamahalan.
Nawala ako sa mga iniisip ko ng biglang magpreno ang bridal car na sinasakyan ko kaya napasubsob ako buti na lang at nakaseatbelt ako.
“Ano ba, Manong! Dahan-dahan naman! Kita nyo ngang nag-e-emote ako eh!” naiinis na sabi ko at inayos ko ang pagkakaupo ko.
“Ma’am kasi…” bakas sa boses ni Manong driver and takot kaya naman tumingin ako sa tinitignan nito.
At anong takot ko ng makita kong may itim na van na nakaharang sa bridal car ko at may mga lalaking nakatakip ng mukha ang bumaba mula roon tapos may mga dala pa itong armas!
Oh my god! Ayokong makasal pero ayoko ring mamatay agad!
Then one of the goons opened the car’s door at hinila ako palabas!
Natatakot ako! Diyos ko! What should I do?
I tried to free myself from the goons hand pero sadyang malakas at malaki ang lalaking nakahawak sa akin. “Bitawan mo ako! Ano ba! Let me go you ugly!” sigaw ko pa at pinagbabayo ko ang dibdib ng goon pero ako lang ang napagod dahil sadyang ang laking tao nito.
“Wag ka ng magpumiglas, Miss. Dahil ikaw lang ang masasaktan.” Sabi nong mama at hinihila ako papasok sa Van.
“I said let me go! Ano ba? HELP! HELP! TULONG! TULONGAN NIYO AKO! MAY PANGIT NA KUMIKIDNAP SA AKIN!” sigaw ko at parang nainis ang goon na nakahawak sa akin dhail sinigawan ako nito.
“kapag di ka tumigil sa kakasigaw at kakatawag sa akin ng pangit ay makakatikim ka sa akin!” sigaw nung goon.
Natahimik ako. Ayokong masaktan. Wala pang nakakapagbuhat ng kamay sa akin kahit ang daddy ko.
“Ano ba kasing kailangan niyo?” tanong ko habang umiiyak.
Naipasok na nila kasi ako sa Van at papalayo na kami mula sa pinagharangan nila ng bridal car ko.
BINABASA MO ANG
Claiming What's Mine
Ficção GeralShe's mine! I have claimed her! Kaya kukunin ko siya dahil akin siya. Hindi na ako magpapakabait at magpaparaya dahil nagmumukha na akong tanga! Wala na akong pakialam kung sinuman ang masaktan ko kahit kaibigan ko pa basta maging akin lang siya. Al...