Kabanata 3

29 1 0
                                    


[Chapter 3]

AKALA KO umuwi na sya?

Hawak nya ang isang walang laman na bote ng soft drinks at parang ewang sinusuri ito. Dali dali akong lumapit sa kanya at kinuha ang bote sa kamay nya.

Hindi naman sya nagulat at tinignan nya lang ako ng walang emosyon.

Inilapag ko sa mesa yung bote saka nakapameywang na humarap sa kanya.

"Akala ko umalis kana? Atsaka sabi ko sayo, wag kang lumabas kung hindi ka aalis kasi baka may makakita sayo dito!" Hininaan ko ang boses ko pero hindi talaga sya kumibo. Tumalikod lang sya at nagsimulang magtingin tingin sa mga muwebles dito sa kusina.

Naiis-stress ako sa lalaking 'to. Para syang naninibago sa mga bagay sa loob ng kusinang ito. Pati yung pandikdik ng bawang ay sinuri nya. Wala ba syang alam sa ganitong klase ng mga kagamitan? Naloloka na ako sa kanya.

Natigilan ako sa pagtingin sa kanya ng may narinig akong mga yapak papasok.

"Ma! May pupuntahan akong party ng kaibigan ko! Like, saan ba ang mga tao dito?! Ma!" Napayuko ako ng marinig ang boses ni Barbie.

Lumingon naman doon si kuyang naka scuba suit. Akma syang maglalakad papunta doon ng gumapang ako at hinatak ang paa nya.

"Magtago ka dito dali!" Itinuro ko ang ilalim ng mesa para magtago sya. Hindi nya nagets kaya hinatak ko na sya pababa at itinulak sya sa ilalim. Nauntog pa sya kaya napatakip ako sa bibig. "Sorry,sorry.. magtago ka dyan okay? Wag kang lalabas.." gumapang ako palabas ng mesa ng makita ko ang high heels ni Barbie sa harap ko.

"Like, anong kagagahan 'yan jaime?" Tanong nya kaya dahan dahan akong napaangat ng tingin. Nakita kong nakataas ang kilay nya habang naka pameywang.

I laughed awkwardly.

Shet! Anong idadahilan ko?

Naghanap ako ng kutsara o tinidor sa sahig na pwede kong idahilan na nahulog pero wala akong nakita!

Umangat ulit ang tingin ko at awkward na ngumiti. "Ah-hmm ahh a-ano.." wala akong maisip na dahilan!

Umirap lang sya at natatawa akong tinignan. "Like, you're playing hide and seek alone?"

Ha?ano daw?

Gusto ko sanang sabihing hindi pero, baka magtaka sya. Pilit nalang akong tumawa at tumayo sabay kamot sa batok.

Iisipin nya na naman na nababaliw na ako.

"You're so like, out of your mind." Sabi nya. Napayuko nalang ako at hindi na sumagot.

Naglakad lakad sya sa kusina bago humarap sa akin.

"Paki sabi kay mama na may pupuntahan lang ako. Like, matatagalan akong umuwi kaya ayusin mo ang dahilan mo." sabi nya at tinuro pa ako na parang nagbabanta. Tumango naman ako kaya nagflip hair sya at naglakad na papaalis.

Nakahinga ako ng maluwag at dali daling tinignan si kuyang naka scuba suit sa ilalim ng mesa. Naka yuko sya ng todo kasi mababa lang yung mesang pinag tataguan nya. Mukha syang nahihirapan pero parang wala parin syang pakialam.

Sino kaba talaga?

EARLY IN the morning, ay naririnig ko na naman ang boses ni Barbie. Banging on my door.

Hindi na talaga mag babago ang araw ko. Minsan nga naaawa na ako sa pintuang 'yan. Kulang nalang siguro ng mga sampung hampas ay tataob na 'yan.

Hindi ko nalang sya pinanansin at nagsimula nalang akong mag ligpit ng hinigaan ko. Pagkatapos ay bumaba na ako para maligo. Habang nag to-toothbrush ay biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi.

Between WorldsWhere stories live. Discover now