"MALAKAS NA ulan ang mararanasan sa may parte ng Central Visayas dahil sa dala ng bagyong Dodong. Mariing pinapayuhan ang mga residente na manatili sa kani-kanilang tahanan han-"
Biglang humina ang tinig sa radyo ng kotseng gamit namin hanggang sa tuluyan na itong nawala.
Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba at takot. Hindi ko maipaliwanag pero parang mali ang pag alis namin sa tinutuluyang hotel.
Dumungaw ako sa passenger seat kung saan nakaupo si mama. Kinalabit ko sya kaya lumingon sya sa'kin.
"Ma,sa tingin ko dapat nanatili nalang tayo sa hotel." Sabi ko habang tumitingin tingin sa labas na hindi na masyadong malinaw dahil sa lakas ng bugso ng ulan.
Masyado naring madilim kaya alam kong nahihirapan narin si papa na maaninag ang daan.
Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni mama pero hindi nya iyon ipinahalata kaya pilit syang ngumiti sa'kin.
"Ano kaba anak, malapit na tayo wag kang mag alala.." sabi nya sabay tapik sa kamay kong nakapatong sa may uluhan ng upuan nya.
Natatakot parin ngunit tumango nalang ako para hindi na madagdagan ang takot na namumuo sa amin.
Tumingin muli ako sa bintana at nakita ang isang signage na "Slow down" at "School zone". Hindi ako sure kung nasaan na kami kasi masyado talagang malakas ang ulan.
Nandito kami sa Cebu para magbakasyon. It was my idea to go here kasi never pa akong nakapunta dito. Pero dumating na kami dito ng mga three days bago matapos ang sem-break kaya ayun, sinalubong kami ng letseng bagyo na'to.
Ang plano kase ay pupunta kaming ngayon ng Alegria para dalawin sana yung kaibigan ni papa at doon na kami mag sta-stay for the night bago kami umuwi.
Sasakay pa kami ng eroplano pauwing Manila pero sure akong canceled na ang mga flights ngayon.
Tumingin ako sa kabilang bahagi ng bintana at nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"What the hel-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil naramdaman kong napagulong gulong na kami sa karsada.
I opened my eyes widely and saw a really bright light that passed us hanggang sa bigla nalang itong nawala, kasabay ng unti unting pagkawala ng aking paningin.
Until everything turned black.
*******************
PS.
First story ever kaya expect typos, grammatical errors and all the kinds of errors na alam nyo. And maybe a little ka-jejehan.✌
PPS.
Kung hanap nyo ay perpektong story, wag nyo nalang 'tong basahin.✌
#BetweenWorlds
YOU ARE READING
Between Worlds
Science FictionMaria Jaime Soriano thought that she would live her life in full silence. Plain, slow, and boring. Namimis 'rin naman nyang maging malaya. She miss her easy and fun life when everything was perfect back then. Where she can control her fate. When she...