Kabanata 4

24 1 0
                                    


[Chapter 4]

KINAKAGAT KAGAT ko ang ballpen na hawak habang sinusulyap sulyapan ang oras. Hindi ako mapakali.

Patuloy parin sa pag di-discuss si Sir pero walang pumapasok sa isip ko kahit isang salita mula sa pinagsasasabi nya.

Ano kayang ginagawa nya dun?

Matapos ko kasi kausapin si kuyang scuba suit kanina ay agad ko syang pinapunta sa garden sa gilid ng eskwelahan namin. Hindi pa kasi tapos ang klase ni Sir Tubak. Kaya kailangan kong pumasok ulit. Ayaw ko sana kasi baka ano na naman ang pinag gagagawa nya dun.

Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang blangkong notebook na nasa mesa ko.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ko kanina. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya malakas akong napailing.

Ewan ko ba. Kahit alam kong kalokohan lang 'yun. Kahit sinabi ko lang 'yun para makalusot kay stephan. Bigla nalang umiinit ang pisngi ko sa hindi malamang dahilan. Nababaliw na talaga ata ako.

Napabuntong hininga ako ulit at itinukod ang pisngi sa kamay kong nakatukod 'din sa mesa.

"Is there a problem Ms. Soriano?"

Awtomatiko akong napaangat ng tingin ng marinig kong banggitin ni Sir ang pangalan ko. Nakakunot ang nuo nya at nakataas ang isang kilay. Nahihiya akong tumango at nag sorry. "A-ahh opo Sir. S-sorry po.."

Nakakunot parin ang nuo nya pero tumango naman sya at pinagpatuloy ang pagtuturo.

Napahinga nalang ako ng malalim.

Ano bang nangyayari sa'kin?

"Hoyyyy"

Napalingon ako sa gilid at nakita si Irene na tinatago ang mukha sa notebook na hawak nya. Sinenyasan nya akong lumapit kaya sinunod ko sya at inilapit ng kaunti ang mukha sa kanya. Sumulyap pa sya sa harap na parang sinisugurado kung nakatingin ba si Sir.

Sa may likod kami nakaupo pero kahit ganun ay kita parin kami kasi may maliit na parang stage sa harap na tinutung-tungan ni Sir kaya kita nya talaga lahat ng mga pinag gagagawa namin.

"Ano?" Tanong ko kay Irene na sumusulyap sulyap parin kay Sir.

Hinarap nya ako at tinaasan ng kilay. "Sino ba 'yung lalake kanina ha?" Nagtatakang tanong nya.

Hindi agad ako nakasagot. Dapat ko bang sabihin? Wala naman sigurong masama kung may pagsabihan ako diba? Atsaka, parang hindi naman 'yun big deal para ilihim ko pa sa kanya.

"Ano.." nalilito ako kung anong uunahin .

"Ano?" Tanong nya.

Huminga ako ng malalim at sinimulang ikuwento kay Irene ang nangyari kagabi at kanina. Maigi naman syang nakinig. Minsan nagugulat sya sa sinasabi ko pero hindi sa nag salita at nakinig lang. Dumaan ang oras at hindi naman kami nabuko ni sir hanggang sa tumunog ang bell tanda na lunch break na.

"So? Anong larawan daw?" Tanong nya na nagtataka.

Ipinasok ko muna ang notebook sa bag bago sya sinagot. "Ewan ko nga 'rin. Hindi naman nya sinabi" nakangiwi kong sagot. Tumango tango naman sya.

Lumabas na kami at nag lakad papasok sa canteen. Agad kaming pumila sa counter at nag antay.

"So anong balak mong gawin?" Patuloy paring tanong ni Irene.

To be honest, hindi ko alam. Ewan ko ba pero parang masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi masyadong ma proseso ng utak ko. And it all happened after meeting that guy. All was weird.

Between WorldsWhere stories live. Discover now