Kabanata 1

36 1 0
                                    


[Chapter 1]

"JAIME!!" Naalimpungatan ako sa lakas ng boses ni Barbie na kinakalampag ang pintuan ng kwarto ko.

Kinusot ko ang aking mga mata at kinapa ang cellphone sa study table na katabi ng kamang hinihigaan ko.

Pagtingin ko sa orasan ay alas kuwatro y media pa ng umaga. Napabuntong hininga nalang ako.

Kumalabog ulit ang pintuan kaya dali dali akong tumayo at binuksan iyon. Tumambad sa akin si Barbie na masama ang tingin sa'kin. Humikab ako at kinamot ang ulo.

Ang aga aga pa, kung makasigaw naman 'to akala mo nasa kabilang baryo ako natutulog.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Hoy! Anong oras na oh!? Diba sabi ko sayo labhan mo itong checkered skirt ko! Bakit nasa basket parin 'to ng mga labahan!" Sigaw nya kaya napapikit ako sabay iwas.

Tinignan ko sya at ang skirt na sinasabi nya. Hindi ko na napigilang mapairap.

Anak ng tupa, 'yun lang ang dahilan nya para gisingin ako? Jusko hindi na nga ako nakatulog kagabi sa dami ng trabahong pinapagawa nya.

Akma ko nang isasara ang pintuan pero pinigilan nya ito gamit ang paa nya. Binuka ko ito ulit at pagod syang tinignan.

"Ano ba! Kinakausap pa kita eh! Like! sabing bakit hindi mo ito nilabhan! Alam mo bang malapit na ang party ni Amber!? Ano nang isusuot ko!?" Pagmamaktol nya parin kaya tamad akong tumango.

"Oo na, lalabhan ko mamaya. Ilagay mo nalang ulit sa basket. Please Barbie, may quiz pa ako mamaya. Kung nakakalimutan mo na estudyante tayo. Kung priority mo ang party, priority ko naman ang pag aaral." Pangaral ko sa kanya pero umirap lang sya.

"Wala akong pake sa pinag sasasabi mo! Basta labhan mo 'yan!" Sabi nya at padabog na bumaba.

'Tamo? Ang bait bait nya no? Ang sarap kausap eh.

Napairap nalang ako at humikab ulit. Ilang oras lang ba akong natulog? Feel ko ang bigat bigat ng mga mata ko. Parang gusto ko tuloy lagyan ng stick ang magkabilang mata ko para hindi sila pumikit.

Naglakad ako papunta sa salamin ng tukador ko at tinignan ang sarili.

Nakita ko ang mga eyebags na namumuo sa ilalim ng mga mata ko. Ang sakit sa feeling na mas malusog pa 'yung eyebags mo kesa sayo. Parang sila lang 'yung nakinabang sa mga oras na wala akong maayos na tulog.

Napabuntong hininga nalang ako ulit at nagsimula ng ligpitin ang pinaghigaan ko. Pagkatapos ay dali dali na akong bumaba.

Pagkababa ko ay nakita ko si Barbie na abala sa pagsagot sa kung sino man ang tumatawag. Pagkakita nya sa'kin ay tinuro nya ang kusina.

"Oh yes, wait lang. I need to call my yaya like, right now" maaarte nyang sinabi at tinakpan ang phone.

Nakatayo lang ako doon at pinag mamasdan syang makipag pa bonggahan sa "friends" nya. Note the sarcasm please. Ang aga aga cellphone kaagad.

Humarap sya sa'kin at mabilis na lumapit. Tinampal nya ang braso ko kaya gulat ko syang tinignan.

"Ano ba! Magluto ka na! Like, nakakalimutan mo bang wala si Adele!? May lakad ako ngayon ng maaga kaya bilisan mo na at mag luto ka na! Like, right now!" Sabi nya at itinulak pa ako papuntang kusina. Agad syang bumalik papuntang salas at kinausap ulit 'yung katawagan nya. Huminga nalang ako ng malalim at pabugang pinakawalan iyon.

Si Adele 'yung katulong nila dito. Na homesick daw sya kaya ayun, umalis. Nek nek na homesick 'yan. Alam ko lang naman na gusto nyang makaalis mula sa galamay ng bruhilda kong pinsan.

Between WorldsWhere stories live. Discover now