Kabanata 8

203K 10.1K 5.2K
                                    

Kabanata 8

Trust is not given but earned. Just like how things are suppose to be, you cannot expect others to trust you in a world where betrayal exists. Mahirap ito ibigay at naiintindihan ko siya. At kuha ko naman ang punto niya kung bakit hindi niya ito maibibigay agad.

On the contrary, I trust people easily even if my intuitions are sometimes wrong. I believe that if you break my trust once, you can never gain it again. Once is enough when it comes to trusting someone. Mahirap na ibalik ang tiwala sa isang tao, hindi tulad ng ibang bagay na madaling mapagbigyan.

It is also my way to know who really wants to be with me, para sa akin ay nasasala ko kung sino ang totoo at hindi sa buhay ko.

It was our PE, I was sweating because we had to run laps and do various recreational activities for this subject. Isang meeting lang naman ang PE pero sobra sa pagod naman ang mga gawain.

I saw a familiar girl, walking towards another guy who's actually my blockmate. Agad na kumunot ang noo ko.

Isn't that the girl who confessed to Adren?!

"Ang sweet nila, ano? Matagal na 'yung dalawa na 'yan, literal na walang titibag." Suzy exclaimed.

What Adren said was true. The girl is double crossing her boyfriend. My fists tightened. Should I go tell him? Kita ko rito kung paano siya punasan nung babae at mukhang alagang-alaga niya ito.

Ate, magkano magpagawa ng explosion box?

Umiling na lang ako. It's their problem, not mine. I already have a lot on my life, ayoko na dagdagan pa.

Minabuti ko na munang umalis sa pwestong 'yon dahil baka ano pa ang magawa ko.

I saw Adren on one of the benches near the cafeteria, may binabasa siyang libro at seryoso ang bawat paglipat niya ng mga pahina nito.

I can't help but admire how immaculate he looks like from afar. Mukha talaga siyang mabait. Sadly, I think that is only the surface level.

Lumapit ako sa kanya. I was confident that he would at least know who I was now.

Umangat ang tingin niya sa akin.

"Bakit ka pinagpapawisan?" tanong niya habang may ngiti sa labi.

Nalaglag ang panga ko. Shit, oo nga pala! Lahat ng yabang ko ay nawala dahil pawisan nga pala ako ngayon!

"Ang h-hot mo kasi," nauutal kong sambit.

Hanimal na sagot 'yan, Arrisea!

"Here," inabot niya ang panyo niya sa akin. "You can use it."

Agad naman akong umiling. "May towel ako sa classroom. Babatiin lang sana kita."

"Well, hello to you too." He decided to smile. As much as he looks good whenever he smiles, pakiramdam ko talaga ay hindi siya ngumingiti nang totoo.

"Did you get rid of it?" tanong ko, pertaining to the explosion box he received.

His gaze went towards me and I feel like being frozen on the spot.

He felt...so cold.

His onyx eyes were like an abyss of darkness. I could not see any emotion in it. Noon pa man ay tanging ang kulay lamang nito ang nakikita ko.

Ito rin ang nagpapalalim ng curiosity ko. Eyes are capable of showing emotion, in fact it's a type of non-verbal communication. Madalas, hindi man sabihin ng isang tao ang nararamdaman niya ay makikita mo naman ito sa kanilang mga mata. Unlike other people, he knows how to hide his emotions so well.

Cost of Taste (Published)| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon