Kabanata 23

163K 7.6K 6.8K
                                    


Kabanata 23

Nang bumalik si Suzette sa school ay para bang hindi nag-exist ang pekeng nude picture niya. Para ba itong nabura sa mundo. Hindi ko alam kung paano pero nagpapasalamat na lang din ako na hindi lumaki ang butas na ginawa nila Pamela at Luis. I heard they got expelled and Tita Susan filed charges against them. Suzette refuses to talk and make amends with the both of them too.

Tinulungan ni Adren si Tita Susan sa pagaasikaso ng mga isasampang kaso sa kanila. Nakikipag-areglo ang kampo nila Pamela at Luis pero hindi ito pinapansin ni Tita at Suzy.

Kahit sino naman 'yata sa posisyon ni Suzette ay hindi masisikmura na patawarin sila kung hindi naman totoo ang hinihingi nilang kapatawaran.

It made me realized that some people can easily apologize even if they don't really regret what they've done. Para bang ginagamit lang nilang basahan bilang pampunas ng kanilang dumi ang paghingi ng kapatawaran.

"Ah sh—" nabitawan ko 'yung frying pan dahil dumapo sa akin ang baga ng apoy. Agad na lumapit sa akin si Zyair na may dalang bowl na may lamang yelo.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Napaso lang." My hand was swollen and red. Hinipan-hipan ko ito.

"Punta ka sa clinic," ani Zyair habang inaayos ang mga sangkap sa harapan namin.

I clicked my tongue. "Malayo sa bituka."

Nilubog ko ang kamay ko sa bowl na may yelo na binigay ni Zyair.

"Hays, dapat kasi nag-TVL na lang tayo para luto-luto lang. Ang hirap maging ABM! Puro na lang tayo balance!"

Pagpaparinig nung isang estudyante na dumaan sa laboratory namin. Tumawa naman ang mga kasamahan niya. Napalingon kami ni Zyair sa kanila at sabay na bumuntong hininga.

"Baka may mahampas ako ng nagbabagang frying pan." I said as I was shaking my hand to get rid of the water from the ice.

Naningkit naman ang mga mata ni Zyair. "Nakalimutan 'yata nilang nagaaral tayo ng iba't ibang uri ng kutsilyo."

Nagkatinginan kami ni Zyair at tumawa na lang. I know, it's hard to change someone's perspective of things, lalo na kung naging norm na ito para sa kanila. Just because it's your belief, it doesn't mean others would easily accept it.

You are not obligated to accept their opinions as much as they're not obligated to accept yours. It's a tough choice to live a life where you need to constantly remind yourself of your own worth rather than how the world perceived you to be.

But that's how you should live your life. You are the one that controls the flow of it, don't let anyone tell you how it should be.

The norm of discriminating someone's strand will only stop if only you'll show them the worth of your dreams. Hindi ito TVL lang. Hindi ito luto-luto lang. It is more than that, it is more than what meets the eyes.

Matapos ang mga klase ko ay dumiretso ako kay Adren sa kanilang building. Pawisan ako at medyo magulo ang buhok dahil ang daming activities na tinapos namin sa isang araw. Kaya naman kung marunong lang ng time management, hindi naman kailangan palaging perpekto ang kalalabasan ng gawain.

Kaya ka nga nag-aaral para matuto. Hindi para magmarunong.

"Bakit ka nandito?" Sinalubong ako ni Lulia, may bahid ng inis ang kanyang tono. Nakataas ang kanyang kilay at minamata ako.

May kasama siyang lalaki na masama rin ang titig sa akin. Sino naman 'to?

"Pupuntahan ko boyfriend ko, bakit?" maarteng balik ko ng tanong.

Cost of Taste (Published)| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon