Kabanata 18

181K 10.6K 10.5K
                                    

Kabanata 18

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?"

Nasa kusina si Adren kasama si Mama habang nagaayos sila ng mga sangkap na gagamitin mamaya para sa salubong ng bagong taon.

"Grandpa said I could stay here if I wanted to." Adren was looking at me, feigning innocence.

Nakausap ko si Lolo Alfred, sa ibang bansa sila madalas pumupunta tuwing New Year. Nasa New York nga 'yata si Lolo Alfred ngayon kasama ang pamilya ni Adren. Hindi ko nakilala si Dayanara at Alfos Reverio sa gabing 'yon at wala na akong balak kilalanin sila. So far, hindi maganda ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Bakit ayaw mo sa New York?"

Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa paglalagay ng graham sa isang malaking tupperware. Ewan ko bakit ito nagpaiwan dito sa Pilipinas. Sobra ba siyang makabayan?

Nagpunas ng kamay si Mama sa apron niya. "Arrisea! Samahan mo si Adren gumawa ng mango graham."

Maarte si Mama sa pagluluto kaya halos kumpleto siya sa mga kagamitan sa bahay pagdating dito. Wala nga lang kami nung mga mamahaling oven dahil baka magastos sa kuryente.

Tumango ako. "Sige, Ma."

Binuhos ko ang kondensada at all purposed cream sa isang bowl. Hinalo ko ito hanggang sa humalo ang kulay ng kondensada sa krema.

"Nandito ka rin hanggang bukas?"

He bobbed his head. "Yup."

Tumawa ako. "Para naman kitang tinatanan."

Naghiwa ako ng mangga habang si Adren naman ang naglagay nung krema de leche sa graham na inaayos niya kanina.

"May gusto ba kayong puntahan bukas?" tanong ni Adren nang lumapit ako sa kanya para i-abot ang mga mangga.

"Wala. Ayaw mo ba sa bahay?"

"No, I still didn't give any gifts to your family yet."

"Ilang araw na ang lumipas. Tapos na ang pasko, hindi rin naman humihingi ang mga kapatid ko o si Mama. Huwag mo na masyado alahanin 'yon."

Kumunot ang noo niya sa akin. "I insist. They're also..."

Bigla siyang natigilan at tumingin muna sa akin na para bang humihingi ng permisyo.

Ngumiti ako sa kanya. "They're also your family."

Kahit si Solstice at Lolo Alfred pa lang ang nakikilala ko sa mga kamaganak niya, nararamdaman ko ang hidwaan sa kanilang pamilya.

"Ilalagay lang 'to sa fridge?" tanong ni Adren habang hawak ang tupperware ng mango graham.

Tumango ako at nagpatuloy sa paghihiwa ng mga sangkap ni Mama para sa iba pang putahe na lulutuin niya mamaya.

Archer was with Arya, he was stumbling while walking towards us. Inaalalayan naman siya ni Arya.

"Si Archer, baka may gustong puntahan?" Adren kept prying, even raising a brow at me.

"Palengke!" Humagikgik si Archer sabay palakpak. "Palengke na may aircon!"

Tumingin ako kay Arya kaya naman nagkibit balikat ito saakin. Ano ba 'tong mga tinuturo nila kay Archer?

"Mall, Ate. Lahat ng pamilihan ay palengke ang tawag niya."

"Let's go to MOA tomorrow? Although it might be crowded." Anyaya ni Adren.

"Ikaw bahala," sagot ko. "Saglit lang, aakyat lang ako sa kwarto namin."

Nang madaanan ko si Arya ay agad niya akong hinawakan sa braso para bumulong.

Cost of Taste (Published)| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon