Kabanata 14
"Arrisea, si Tatiana nga pala." Lulia introduced her cousin who was smiling at me.
"Hello po." She greeted timidly.
She was more fair than Lulia. Bagsak ang mahaba niyang buhok na itim na itim ang kulay. Her features were kind of foreign. Kamukha niya si Snow White pero mahaba lang ang buhok niya.
"She'll stay here for a while. Tatapusin niya kasi ang school year niya sa UJD bago siya bumalik sa ibang bansa," ani Lulia.
Tumango naman ako at ngumiti pabalik kay Tatiana.
I was doing my job in their house every Saturday and Sunday. Lulia and I are already close, kaya naman pinapakilala niya si Tatiana sa akin.
"Hi, Tatiana," bati ko.
Nilapag ko ang hawak ko na tray bago ako umupo sa sofa para makapagusap kaming tatlo. Naghain kasi ako ng meryenda para sa 'min.
"Tito and Tita really welcomed me with warmth. Akala ko talaga ay magiging malungkot po ako sa Pilipinas," Tatiana said, timidly.
"Wala 'yon, Tati. Alam mo naman na anak na rin ang trato sa'yo nila Mommy at Daddy." Lulia said, kumuha siya sa niluto kong mojos.
"Sa UJD ka rin pala, Tatiana." Ngiti ko kay Tati na agad na namula.
"Opo. ABM 2 din po ako tulad ni Ate Lulia." Namumula ang kanyang mga pisngi.
Ito ang pagkakaiba ng puti ni Lulia at Tatiana. Madali kasing mamula si Tatiana dahil mestiza ang kanyang balat samantalang si Lulia ay maputi lamang dahil di nagbibilad sa araw.
"Todo aral nga 'yan si Tatiana para mapunta sa ABM 1," kwento ni Lulia sa gitna ng pagkain ng mojos.
"Bakit?" tanong ko.
"Ate Lulia naman e," Tinakpan ni Tatiana ang kanyang mukha. "Nakakahiya po! Huwag mo na po i-kwento."
"May crush siya roon." Kibit balikat ni Lulia.
Si Gio kaya? Sino pa ba ang kadalasan magustuhan sa ABM 1?
I asked. "Giorgion ba pangalan?"
Umiling-iling si Tatiana habang namumula pa rin. Nilagay niya pa ang isang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya.
"Pero kaibigan po kasi ni Kuya Gio, nakakahiya baka po kilala niyo." Umangat ang tingin niya sa akin.
Gio's friendly, pero sino ba kadalasan kasami ni Gio? It's Zafirah and...
"Si Adren," sagot ni Lulia. "Si Adren 'yung crush niya."
"Adren?" Ulit ko dahil baka mali lang ang rinig ko.
Tumango si Tatiana. "Opo, Adonis Renoir Reverio po."
Sumimsim ako sa tinimpla kong juice. Agad akong nag-iwas ng tingin.
Boyfriend ko 'yon, hanimal! Gusto ko manakit!
"Mabait po kasi 'yon. Ilang beses na po niya akong tinulungan." She told me as she started fanning herself.
Ngumiti lang ako nang pilit. I used to date attractive boys before too, but I was never this possessive. Gusto ko siyang ipagdamot. It wasn't a good feeling.
She showed me her lockscreen and it was a stolen picture of Adren. Tumatawa si Adren at parang may kausap pero cropped ang picture at nakatuon lang ito kay Adren.
"Ayan po siya, Ate Arrisea." Tatiana beamed at me, her cheeks are bright red.
Don't worry, I know him. Boyfriend ko nga 'yan e.
BINABASA MO ANG
Cost of Taste (Published)| ✓
Romance(PUBLISHED UNDER Flutter Fic) seniors series #2 A Senior Highschool series. complete [unedited] Maraming nagsasabi na hindi naman daw patimpalak ang buhay, pero bakit ang daming hurado sa bawat galaw ng tao? Arrisea Cabrera knows this very well. Her...