Kabanata 26
"Arrisea, tumawag ang Papa mo..." puno ng pagaalala na sambit ni Mama, inabot sa akin ang telepono habang nasa lababo ako at naghuhugas ng pinggan.
Pinunasan ko ang kamay ko gamit ng isang maliit na towel at kinuha ang telepono mula sa kanya.
Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago tanggapin ang tawag.
"Arrisea," baritono at matigas nitong tawag sa pangalan ko. "Bakit mo sinaktan si Tatiana?"
I could never feel any love for him. Noon pa man ay wala akong nararamdaman para sa kanya kahit alam kong tunay na galing ako sa dugo niya.
Parang may nakabarang bato sa lalamunan ko. Hindi naman ako si darna. Nanlalamig na naman ang pakiramdam ko. Kung alam ko lang na anak pala ng asawa niya si Tatiana, kailan man ay hindi ko ito papansinin o lalapitan.
"Hindi ko siya sinaktan, aksidente ang nangyari sa kanya at hindi rin ako ang gumawa sa kanya no'n -"
"You and your excuses! Hindi mo ba alam na ang nanay ni Tatiana ang nagpapa-aral sa'yo?!"
"Bakit? Sinabi ko bang pag-aralin niya ako? Hindi ba't responsibilidad mo 'yon?" asik ko sa kanya.
"Ganyan ba ang natututunan mo sa mama mo? Ganyan ka ba niya pinalaki? Ang maging bastos at ingrata?"
"Hindi, ikaw ang nagturo sa akin maging bastos at ingrata dahil sa'yo lang naman ako ganito." I scoffed at him.
Binura ko na sa isip ko ang mga mapapait na alaala ko sa ibang bansa. Hindi ako tumagal doon dahil sa pangaalipustang ginawa sa akin ng asawa niya.
"Hanggang hindi ka napapatawad ni Tatiana ay hindi ko babayaran ang tuition mo," pagbabanta niya sa akin.
"Natakot naman ako," I sarcastically remarked.
Nakalimutan 'yata ng lalaking ito na bayad na ang buong taon ko. If he's referring to college, huwag siyang magalala dahil wala akong balak mag-kolehiyo muna.
"Ang tapang mo talaga, ah." Tumawa siya sa kabilang linya. "Totoo nga? Ginagatasan mo ang panganay ng mga Reverio?"
To hear those words from my own father destroyed the last ounce of respect I had for him.
"No..."
"Manang-mana ka sa Mama mo! Mga mukhang pera! Mga ganid!" he growled through the other line.
"Back to you po," I casually answered back. Mukhang natigalgal siya sa kabilang linya. "Tapos ka na ba? Nagsasayang lang tayo ng load dito."
Binabaan niya ako ng telepono. Did it hurt? Yes. Pero sanay na ako at wala na sa akin 'yon. Wala na akong enerhiya para sa mga taong sarado ang utak, they don't matter to me anyway. Ang pamilya ko, mga kaibigan ko at si Adren na lang ang tanging gusto ko pakinggan, only their opinions matter to me.
⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅
Ang mga natitirang araw bago sumapit ang kaarawan namin ay ginawa kong masaya. It was probably my only way to conceal the pain I was feeling.
"Aksidente lang pala 'yon e."
"Akala ko pa naman sinadya."
"Tinulungan pa nga raw nung babae sa TVL 'yung nalaglag."
Hindi ko na nilingon ang mga bulungan na narinig ko. Ang alam ko lang, si Etienne ang may pakana kung bakit lumubog ang isyu ni Tatiana.
I knew he had to pull some of his strings. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala pa akong kakayanan na ma-resolba ang sarili kong mga problema.
BINABASA MO ANG
Cost of Taste (Published)| ✓
Romantizm(PUBLISHED UNDER Flutter Fic) seniors series #2 A Senior Highschool series. complete [unedited] Maraming nagsasabi na hindi naman daw patimpalak ang buhay, pero bakit ang daming hurado sa bawat galaw ng tao? Arrisea Cabrera knows this very well. Her...