Warning: read at your own risk.
^ TW// Cyber bullyingKabanata 20
"Patingin ako ng number."
Although the doubts were rising on my chest, I decided to put my trust on Adren. Masakit kung totoo pero tatanggapin ko. Kung hindi naman, magiging tatingina ang pangalan ni Tati sa utak ko.
I saw the panic on Tati's eyes. "H-he uses that number only for me. Iba ang gamit niya sa inyo."
I rose a brow and smirked. "Tawagan mo."
"Tati, tawagan mo na nga si Adren nang tumahimik na 'tong si Arri!" Lulia urged Tati who is turning pale as of the moment.
"Oh bakit? May load 'yan palagi si Adren. Tawagan mo na." Sarkastikong saad ko.
Biglang umiyak si Tati. Para siyang batang inagawan ng laruan. Lulia's eyes immediately went wide as she comfort her cousin.
"Tati..." Tumingin saakin si Lulia. "Stop pressuring her, Arri!"
"Hindi kami maayos ni Kuya Adren ngayon. Ginugulo kasi siya ni Ate Arri! Baka di niya sagutin..."
Gusto ko tawagan si Adren sa harap niya kaso wala akong load at saka mahal ang roaming fee kapag sa ibang bansa ka tumawag. Nasa Singapore si Adren ngayong bakasyon.
"Lumayas ka na nga rito, Arri! Wala ka ng trabaho! Ingrata!"
Gusto ko magalit kay Lulia. Ang sakit niya kasi magsalita na para bang wala kaming pinagsamahan. Pero di ko magawa dahil alam kong binibilog lang siya ng pinsan niya. Tati was a wolf in sheep's clothing.
"Ate A-arri, huwag k-ka sana magalit."
I raised my middle finger at her. "I don't wanna feel anything for you. Di ka deserving para bigyan ko ng pake."
Nagtiim bagang si Lulia at dinuro ang pintuan ng kanilang bahay. "Get out! Now!"
Umirap ako sa kanila bago ako umalis. Bumuntong hininga ako nang tuluyan na akong makalabas ng bahay nila.
I just hope this ends here. Ayoko na magkaroon ng kahit ano pang ugnayan kay Tatiana kahit kailan.
⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅
Hindi ako sanay, sa unang buwan ng grade 12 ay agad kaming tinambakan ng mga gawain. Hindi naman ako sobrang conscious sa grades pero kapag di ka kumilos ay talagang babagsak ka kahit 1st semester pa lang.
"Tahimik mo." Sita ko kay Suzette na kanina pa tulala, nasa laboratory kami ngayon para sa sandwich preparation na subject.
"Ha?" wala sa sariling bumaling si Suzy saakin. "Ah, wala."
Lumapit si Franny sa'min. "Suzy, may problema ka ba? Di mo rin kami kinakausap nung bakasyon."
Bumuntong hininga si Suzy at ngumiti. "Sorry naman, busy lang ako."
"Ano ba kasi 'yon, Suzy? Parang tanga e. Ayaw sabihin!" Naiinis na sambit ni Franny.
Suzy didn't call us or even message us through social media during the vacation. Ngayon ay parang iniiwasan niya pa kami. Naiintindihan ko kung bakit nagtatampo si Franny. Suzy is the most clingy among us, kaya naman nakakapanibago.
"Wala nga, 'di ba?" Sarkastikong tumawa si Suzy. "Para naman wala kayong buhay at sobrang interesado kayo sa ganap ng buhay ko!"
"Bwisit ka! Alam mo 'yon?! Kami na nga 'yung nagaalala sa'yo tapos ganyan pa trato mo saamin?"
Pumagitna na ako sa kanilang dalawa para maiwasan ang tensyon na namumuo sa pagitan nila. Napapatingin na rin ang iba naming kaklase sa lugar namin.
"Tama na 'yan. Nasa klase pa tayo. Magusap na lang tayo mamaya." Kalmadong saad ko.
BINABASA MO ANG
Cost of Taste (Published)| ✓
Romance(PUBLISHED UNDER Flutter Fic) seniors series #2 A Senior Highschool series. complete [unedited] Maraming nagsasabi na hindi naman daw patimpalak ang buhay, pero bakit ang daming hurado sa bawat galaw ng tao? Arrisea Cabrera knows this very well. Her...