CHAPTER 4

790 41 28
                                    

Nagising ako sa isang silid inikot ko ang mata ko sa paligid nakita ko ang isang malaking narang damitan, lamesang nasa harap ng salamin at malaking bintanang bukas , yung hinihigaan ko namn yung pang prinsesa tamang tama sa suot kong bistida huhuhu nasan kaya ako bat parang pang spanish era yung lugar.

Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa may bintana nagulat ako ng may mga nakita akong guardia civil sa malaking gate at madami din ang mga naka paligitd dito sa bahay ay este mansyon na guardia civil.

The hell?! Where am I?

May narininig akong nagbukas ng pinto kaya dali dali akong bumalik sa paghihiga at nagkunwari na tulog.

"Isang magandang binibini pala ang kanyang dinala dito sa aking silid." Isang boses na mataray na babae ang narinig ko. Sino naman kaya yun? At what ako? Dinala sa silid nya?! Naramdaman kong umopo ang babae sa dulo ng hinihigaan ko dahan dahan syang lumapit at tiningnan ang mukha ko.

Wala naman yata ako sa lungga nang mga demonyo right?!

"Sa aking palagay galing ka sa pamilya ng mga maharlika ngunit bat kanaman dinala ng aking kakambal dito sa bahay?" Mahinang saad nang babae. Napataas ang kilay ko. Duh maharlika? Old fashion ba sya. Our family are rich hindi galing sa maharlika. Tsk. Dahan dahan kung binuksan ang mata ko. Agad kung pinikit ang mata ko nang mag tama ang tingin namin.

"Wag kang matakot hindi kita sasakyan, maaari mo nang imulat ang iyong mga mata." OMG?! Nahuli niya nga ako! Dahan dahan kong minulat ang aking mata saka tumingin sa babae na nasa harap ko maganda naman sya maputi pero mas maputi ako may makapal na kilay, mahabang pilik mata, mapupulang labi pero mas mapula yung sakin. Tsk.

"Ano ang iyong ngalan?" Maataray nitong tanong pinag taasan pa ako nito ng kilay.

"Where am I?" Tanong ko nagulat naman sya sa pag kasabi ko non bat hinde ba sila nakaka intinde ng ingles, diba second language natin ang English? Saka kahit walang pinag aralan marunong makapag intinde ng ingles. I guess so. Oum.

"Who are you?" Tanong ko sa babae saka tinarayan, inirapan naman ako nung babae abay parang kanina lang ehhh----pinupiri nya ako tapos ngayon gaganyanin nya ako. The heck?

"Hindi ko naiintindihan ang iyong linggwahe." Mataray nitong saad. Bat ba ang lalim ng salita nya? Grabe naman baka may shooting kami kaya ganon teka nasan ba yung bag ko?! Tiningnan ko ang buong paligid nakita ko yung bag ko na nasa lamesa kaya tumayo ako pero bigla syang nag salita.

"Ano ang iyong gagawin." Taas kilay nitong saad. Tiningnan ko lang sya at tinaasan ng kilay grabe ang galing nyang umarte binuksan ko yung bag ko ganon padin, walang nabawas sa laman nito nandito padin yung mga gadgets saka nag lagay din pala ako ng dalawang balut na yakult buti naman hinde na basa yung ipad, cp, saka yung powerbank may laman din tung binteng candy saka mga makeup syempre hinde pwede mawala ang mga makeup ko may dala din akong connector saka charger incase of emergency hinde naman mabigat ang bag ko.

Bumalik ako sa kama saka nag injan sit nilabas ko lahat ng laban ng bag ko para ayosin nagulat naman si ewan basta yung babae nanasaharapan ko.

"Ano ang mga bagay nayan?" Tanong nung babae na akala mo ay taga bundok. Omg ang ganda ganda nya panaman tapos hinde nya mga alam ang mga ito o pwede din niluloko nila ako. Tsk.

"Stop, being like that." Nakangiwing saad ko.  Kumunot nanaman yung nuo nya. Tsk. Mukha ngang hindi nya naiintindihan.

"Do you want this?" Tanong ko sa babae. Inalok ko ang kamay ko na may hawak na yakult. Kinuha naman nito sa kamay ko yung yakult."Maraming salamat ano ba ito?" Nag tataka nitong saad na akala mo ay taga bundok. Nasa bundok ba ako? Or not? Tsk.

 Ang Pilyang Lira(1892-1894) [Under EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon